Anak ni Nico Bolzico at Solenn Heussaff na si baby Thylane, nagdiwang ng kanyang ikalawang kaarawan

Happy birthday, baby Thylane!

Maliban sa nararamdaman nating excitement at kasiyahan sa tuwing sumasapit ang ating kaarawan, nagbibigay din ito ng kaligayahan sa ating mga magulang katulad na lamang ng celebrity couple na si Nico Bolzico at Solenn Heussaff na ipinagdiwang ang ikalawang kaarawan ng anak.

Credit: @nicobolzico Instagram

Sino ba ang hindi nakakakilala sa mag-asawang Nico at Solenn? Maliban sa kanilang pagkakakilanlan sa industriya ng showbiz, naging daan din ang kanilang pranks upang mas makilala sila ng publiko.

Matapos ang apat na taong pagsasama simula nang ikinasal, isa namang malaking blessing ang kanilang natanggap nang dumating si baby Thylane sa kanilang buhay na siyang magbubuo sa pinapangarap nilang pamilya.

Ngayon na kumpleto na ang kanilang pamilya, talagang wala ng makakapantay sa kasiyahang nararamdaman ni Solenn at Nico bilang parents. Kaya naman sa ikalawang kaarawan ni baby Thylane, nagkaroon sila ng simpleng celebration sa Les Houches, France.

Kasabay ng kanilang selebrasyon sa unang araw ng bagong taon, isa rin itong espesyal na araw para sa kanilang pamilya. Sa labis nilang kasiyahan, hindi napigilan ni Solenn at Nico na magbigay ng touching at sweet na mensahe para kay baby Thylane.

Credit: @nicobolzico Instagram

“Happy Birthday to the one that made us a family! The love of our lives!” Pahayag ng kanyang Daddy Nico sa unang bahagi ng kanyang mensahe.

Dagdag pa niya, “Keep smiling and being happy, stay humble and kind to others, be yourself and only yourself! Mama and #ElPadre love you and we will always be there to guide you when you need it!”

Of course, kilala sa kanyang humor, talagang hindi pinalagpas ni Nico na mag-joke. Ayon sa kanya, “Remember #ElPadre fears nothing and will always protect you! Exception to this rule is Mama, #ElPadre fears Mama!”

Credit: @nicobolzico Instagram

Samantala, nagbahagi rin si Solenn sa kanyang Instagram account ng larawan ng anak at iilang pictures na kuha niya sa pagkaing hinanda nila para sa birthday ng anak kalakip ng kanyang mensahe para kay baby Thylane.

Ayon sa aktres, si baby Thylane umano ang dahilan kung bakit “the best” ang kanyang nagdaang dalawang taon at ipinahayag ang kanyang wishes para sa anak.

“Happy birthday to the love of my life. You have made these past 2 years the best of my life. All I want in life is for you to be happy. Shine bright baby girl 🥰😍,” saad ni Solenn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Mabilis man ang paglipas ng panahon dahil parang kumakailan lamang simula nang isinilang ni Solenn si baby Thylane, nais naman nila ni Nico na sulitin ang bawat araw at birthday ng kanilang anak.