Anak ni Niño Muhlach na si Sandro, game na nagbigay pasilip sa kanilang bonggang bahay!

Si Niño Muhlach ay maituturing na isa sa pinakamatagumpay na child actor sa showbiz industry dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikulang pinagbidahan niya noon. At bagaman hindi na siya masyadong aktibo ngayon sa showbiz, mananatili naman ang kanyang legasiya bilang isang child superstar.

Credit: Sarap ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Tila naipasa naman ni Niño sa kanyang mga anak ang kanyang galing sa pag-arte at pagpe-perform. Matapos kasing gumawa ng karera bilang isang child actor ang kanyang bunsong si Alonzo, sumabak na rin ngayon sa pag-aartista ang kanyang panganay na si Sandro.

Matatandaang pumirma kamakailan ng kontrata si Sandro sa GMA 7 at ngayon, isa siya sa fresh faces ng Kapuso network na nagpapakilig sa maraming manonood.

Credit: Sarap ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Ngunit maliban sa kanyang taglay na kagwapuhan, may ipagmamalaking talento rin si Sandro sa pagkanta, pagsayaw at pagtugtog ng instrumento. Bukod sa mga nabanggit, isa ring theatre actor si Sandro.

Sa latest guesting nga ni Sandro sa Kapuso variety show na “Sarap ‘Di Ba?” pinaunlakan niya ang kanyang mga tagahanga na masilip ang kanilang bahay.

Credit: Sarap ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Kasama ni Sandro na nakatira sa kanilang bahay ang kanyang ama, stepmom na si Diane Tupaz at ang kanyang half-brother na si Alonzo. Lingid sa kaalaman ng karamihan, si Sandro ay anak ni Niño sa kanyang dating asawang si Edith Millare.

Sinimulan naman ni Sandro ang kanyang house tour sa kanilang sala kung saan ay nakipag-bonding siya sa kanilang alagang Pomeranian dogs.

Credit: Sarap ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Game rin na kinumusta ng kanyang kapatid na si Alonzo ang mga manonood at ang pamilyang Legaspi.

Nang dumako naman si Sandro sa kanilang dining area, ibinahagi niyang dito sila madalas mag-bonding ng kanyang pamilya, lalo na tuwing may espesyal na okasyon.

Credit: Sarap ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Ipinakita rin ni Sandro ang kanyang kwarto na matatagpuan sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Sa tabi lamang ng isang malaking kama, matatagpuan ang working station ni Sandro. Nakalagay dito ang kanyang gadgets na ginagamit niya tuwing siya ay nagtatrabaho o mayroong online meetings.

Masaya ring ipinakita ni Sandro ang kanyang perfume collection. Habang sa loob ng kanyang closet, naka-display naman ang kanyang shoe collection na karamihan ay white shoes at basketball shoes. Kwento pa ni Sandro, mahilig siyang maglaro ng basketball kaya naman marami siyang basketball shoes.

Credit: Sarap ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Huling ipinasilip ni Sandro ang kanilang home theater na nasa ikatlong palapag ng kanilang bahay. Bago pumasok sa loob nito, ipinakita muna ni Sandro ang isang life-sized statue ng paborito niyang superhero na si Superman.

Unang ipinakita ni Sandro ang kanilang game station kung saan pwedeng maglaro ng iba’t ibang arcade games. Ipinakita rin ni Sandro ang drinks at snackbar station.

Credit: Sarap ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Samantala, matatagpuan sa gitna ng kwarto ang isang malaking screen. Ayon kay Sandro, madalas silang manood ng kanyang pamilya ng movies habang nakaupo sa isang lazyboy chair.