Maliban sa magagandang lugar na talaga namang nakakapigil hininga o hindi kaya’y mga pelikula na may malaking impact sa ating buhay, hindi naman maipagkakaila na walang makaka-match sa amazement na hatid kapag nagkakaroon tayo ng realizations tungkol sa resemblance ng iilang miyembro sa ating pamilya.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Kilala si Vic Sotto at Pauleen Luna bilang isa sa mga sikat na artista at host sa industriya ng showbiz. Nagmula sa prominenteng pamilya sa showbusiness, hindi kailanman naging estranghero ang pangalan ni Bossing Vic sa karamihan.
Samantala, kagandahan at professionalism naman sa pagho-host ang naging paraan ni Pauleen upang makilala. Isa lamang sila sa mga celebrity couple na talagang sinusubaybayan ng karamihan sa atin. Dagdagan pa ng kanilang baby girl na si Tali, mas lalo pa silang nakakapaghatid ng good vibes at kasiyahan sa kanilang fans.
Ngayon na tatlong taong gulang na si baby Tali, mas nagkakaroon na ito ng awareness at nakakapansin ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid. Maliban sa kanyang cuteness at pagiging isang bibo na bata, hinahangaan din ang anak ni Bossing Vic at Pauleen dahil sa angking katalinuhan nito. Maliban dito, kinabibiliban din siya ng fans dahil sa mature nitong pag-iisip sa kabila ng napakamurang edad.
Bago salubungin ang bagong taon at mamaalam sa taong 2021, talagang naglaan ng oras ang kapatid ni baby Tali na si Vico Sotto, ang kasalukuyang Mayor ng Pasig, upang makasama sila at ang kanilang ama na si Bossing Vic.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Maliban sa kanilang masayang bonding, nagkaroon din ng cute at nakakaaliw na realization si baby Tali tungkol sa kanyang nakatatandang kapatid at ang kanilang ama. Labis ang gigil at tuwang naramdaman, ikinuwento ito ng kanyang Mommy Pauleen sa Instagram kalakip ng larawan ni baby Tali kasama ng kanyang Daddy Vic at Kuya Vico sa harap ng Christmas tree ng kanilang bahay.
“Tali: Kuya Vico looks like daddy!🤣🤣🤣” pagre-recall ni Pauleen sa realization ng anak noong araw na binisita sila ng Pasig Mayor na si Vico Sotto.
Marami namang netizens ang sumang-ayon kay baby Tali na magkamukha nga talaga ang kanyang Daddy Vic at Kuya Vico.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
“they all have the same smile!😊”
“Smart talaga ni Baby Tali! 🥰❤️😍”
“Carbon copy nga sila mag ama ….”
Talagang kakaiba ang level ng amazement kapag napapansin natin ang resemblance ng iilang miyembro sa ating pamilya. Sa napakamurang edad ni baby Tali, nagawa na niyang ma-realize na magkamukha nga talaga ang kanyang Kuya at Daddy Vic na hindi naman maitatanggi ng karamihan.