Anak ni Pokwang na si Baby Malia, kinaaaliwan ng netizens dahil sa kanyang nakakaaliw na sagot sa tanong ni Pokwang

Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang Instagram video na ibinahagi ng actress-comedian at TV host na si Pokwang kung saan ay tampok ang nakakatawang reaksyon ng kaniyang anak na si Baby Malia O’Brian.

Credit: itspokwang27 Instagram    

Sa Instagram video ay mapapanood ang napaka-adorable na na reaksyon ni Baby Malia sa tanong ng kanyang Mommy Pokwang. Hindi kasi maintindihan ni Baby Malia ang sinasabi ng kanyang Mommy Pokwang dahil nagta-tagalog ito.

Credit: itspokwang27 Instagram

Sa video ay makikita si Pokwang na tinatanong si Baby Malia ng, “Malia, maganda ba si Mama?”.
Tutok na tutok naman si Baby Malia sa camera, mistulang parang nawawala ang reaksyon ni Baby Malia.

Credit: itspokwang27 Instagram

Clueless talaga ito sa pinagsasabi ng komedyante. Sa katunayan, nagsasalubong pa ang kilay nito.
Lumabas naman ang pagiging half-American ni Baby Malia at napa-English nalang.
Aniya sa video, “What’s going on?”

Tawang-tawa naman si Pokwang sa naging sagot ng anak.

 

View this post on Instagram

 

Wala lang gusto ko lang kayong tumawa hahahhahaa napaka honest na sagot ni tisay @malia_obrian 😁😆😄

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Ani Pokwang sa caption ng IG post, gusto lang daw niyang makapagbigay saya sa mga netizen.

“Wala lang gusto ko lang kayong tumawa hahahhaha napaka honest na sagot ni tisay @malia_obrian”, caption ng IG post.

Credit: itspokwang27 Instagram

Ibang kasiyahan talaga ang dulot ni Baby Malia hindi lang para sa kanyang Mommy Pokwang pati na rin sa mga netizens.

Umani ang video na ito ni Pokwang ng maraming reaksyon mula sa mga netizen.
Komento nila:

“Hahahha [email protected] ka diha mamang wag stressin ang bata”

“cutiee haha”

Credit: itspokwang27 Instagram

“Apaka cuteeeeeee”

“Ka nosebl3ed na si Malia, ke bata bata pa”

“Hahaha overload me sa kakatawa”

“so cute malia”

“Hahha ang cute super slang”

Credit: itspokwang27 Instagram

Samantala, hindi lang ito ang isang beses na nagbigay tuwa si Malia sa netizens dahil sa pagiging cute at adorable nito.

Sa isa pang Instagram post ni Pokwang ay makikita ang pagiging bibong bata ni Malia. Sumasakay ito sa lahat ng gustong gawin ng kanyang Mama.

Game ito na maging ‘mermaid’ at ‘monkey’ sa utos na rin ni Pokwang.

Caption naman ni Pokwang sa post, “Hahahahahaaha kapag naka dapa mermaid agad?????”

Credit: itspokwang27 Instagram

Pangatlong anak ni Pokwang si Baby Malia. Taong 2018 nang ipinangak ito ni Pokwang at simula noon ay ito na ang pinagkukunan ng kasiyahan ng komedyante.

Si Baby Malia ay anak nina Pokwang at ng hollywood actor na si Lee O’Brian.