Anak ni Pokwang na si Malia, game na game na tumulong sa paglalaba

“Maganda na, masipag pa” at “Ang galing! Bata pa lang ay marunong na sa mga gawaing bahay”

Credit: @itspokwang27 Instagram      

Ito ay ilan lamang sa mga komentong isinulat ng mga netizen matapos mapanood ang napaka-cute na anak na babae ng komedyanteng si Pokwang na si Malia na tumutulong sa paglalaba ng damit.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Sa isa na namang panibagong video na ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram, mapapanood si Malia na nagkukusot at nagbabanlaw ng damit.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Mukha namang masaya at talagang nag-eenjoy si Malia sa kanyang ginagawang ‘paglalaba’ dahil nakangiti pa ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Pabiro namang sinabi ni Pokwang sa caption ng video na pagkatapos umanong maglaba ni Malia ay magluto at maglinis naman daw ito ng sahig.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Ani Pokwang, “hoy tisay @malia_obrian pagkatapos niyan mag saing kana at maglinis ng sahig daliiiiii wala muna day off ha katataas ko lang ng sweldo mo!”

Kahit na sa isip ni Malia bilang isang bata ay paglalaro lamang ang kanyang ginagawa, maituturing pa rin na maagang pagsasanay sa gawaing bahay ang kanyang ginagawang paglalaba.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Maraming netizens naman ang naaliw kay Malia habang naglalaba ito. Bukod dito ay pinuri rin ng mga netizen ang maayos na pagpapalaki ni Pokwang kay Malia. Sa murang edad kasi nito ay unti-unti na itong sinasanay ni Pokwang sa paggawa ng mga gawaing bahay. Narito ang ilang komento ng mga netizen:

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Nice galing naman ganyan tayo pinalaki Mamang di ba Dapat marunong sa lahat ng Gawain sa house Kahit me kasambahay”

“Galing!! Maganda to Tisay na matuto ka nang maaga sa mga gawaing bahay. Maganda na masipag pa..lalaki kang independent na. Hindi na nakaasa sa katulong kahit na mayaman ka na. So proud of you Mamang!!”

Credit: @malia_obrian Instagram

“Hahaha pero maganda rin minsan matuto tlaga mga bata gawain sa bahay and really??? malia is not exempted?”

“Ganda na sipag pa…always so curious what is that?”

“Wow, teach them young, very good @malia_obrian”

Credit: @malia_obrian Instagram

Si Francine Malia ay anak ni Pokwang sa kanyang American actor boyfriend na si Lee O’Brian. Noong January 18, ay ipinagdiwang ni Malia ang kanyang ika-2 taong kaarawan.