Anak ni Pokwang na si Malia, humagulgol dahil sa pagpanaw ng kanyang kaibigang langaw

Marami sa ating ang nagiging emosyonal kapag may namamaalam na malapit sa ating mga puso. Ito ay pwedeng ating mga mahal sa buhay o mga kaibigan.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Ganito rin ang naramdaman ng anak ng comedian na si Pokwang na si Malia nang tuluyan nang namaalam ang kanyang itinuturing na kaibigan na isang langaw.

Sa kanyang Instagram account ay nagpost ng isang video si Pokwang kung saan ay makikita ang kanyang anak na si Malia na umiiyak.

“Oh! Here! Here’s your friend,” sinabi ni Pokwang sa video habang itinuturo ang langaw sa kanyang anak.

Tinignan ito ni Malia at umiiyak na naglakad papalayo habang sinasabing, “I want my friend fly back.”

Sinubukan namang patahanin ni Pokwang ang kanyang humahagulgol na anak at sinabing, “Don’t cry. There’s so many flies outside.”

“But I want my friend fly,” ang naging sagot ni Malia sa kanyang nanay.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Hindi man alam ni Malia ang pangalan ng kanyang kaibigang langaw ay talagang na-attach ang bata dito.

Sa caption ni Pokwang ay sinabi nitong naawa ito kay Malia na dahil siguro sa sobrang boredom sa bahay ay pati umano langaw ay kinaibigan na nito.

“iniyakan nya friend daw nya si fly wawa naman tisay sa s0brang buryong na sa bahay pati langaw kinaibigan narin 😀🤣😆”

Credit: @itspokwang27 Instagram

May mga netizen naman ang nacutean at naawa dahil sa paghagulgol ni Malia.

“😂😂kid’s are s0 genuine, s0 beautiful, She was s0 upset 😭 sa langaw, ❤️❤️❤️❤️😂😂😂 we l0ve you Malia❤️❤️❤️❤️”

“0mg s0 heart melting her heart s0 pure of l0ve❤️❤️❤️”

Credit: @itspokwang27 Instagram

May isang netizen naman ang nagsabing kapareho din ng kanyang anak si Malia na naging kaibigan na ang mga insekto dahil sa sobrang buryo sa kanilang bahay.

“Hahaha relate momi P0kwang ganyan din si buns0 k0 lahat ng insect pet nya na sa s0brang kulong sa bahay hahahaha🕷🐜🐞🐝🦟🪳”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Si Malia ay pangatlong anak ni Pokwang. Siya ang unang anak ni Pokwang sa kanyang foreigner partner na si Lee O’Brian. Sa angking cuteness at bibo ni Malia ay marami ang nag-aabang kung papasok din ito sa mundo ng showbiz katulad ng kanyang mommy.