Anak ni Pokwang na si Malia, kinabiliban ng mga netizen dahil sa kanyang hilig sa pagkain ng gulay

Isa sa mga bagay na nagpapasaya sa mga magulang ay ang makita ang kanilang mga anak na kumakain ng mga masusustansyang pagkain katulad ng gulay. Hindi natin maipagkakaila, na sa panahon ngayon maraming mga bata ang hindi mahilig kumain ng gulay.

Credit: @itspokwang27 Instagram

 

Proud nanay nga ang komedyanteng si Pokwang dahil isa sa mga paboritong kainin ng kanyang bunsong anak na si Malia ay gulay. Masayang-masaya si Pokwang dahil maganang kumakain ng gulay si Malia.

Sa video na ibinahagi niya sa Instagram ay mapapanood si Malia na maganang kumakain ng Tinola at itlog. Nakakatuwang panoorin si Malia habang kumakain ng malunggay at itlog. Ayon kay Pokwang, paborito raw talaga ni Malia ang Tinola na may malunggay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Kapansin-pansin din na sa edad na dalawa ay marunong nang kumain si Malia nang mag-isa. Mukhang maagang sinanay ni Pokwang si Malia na matutong kumain nang hindi na sinusubuan.
Maliban dito ay halatang sanay din si Malia sa mga pagkaing Pinoy kahit pa ang kanyang ama na si Lee O’Brian ay isang Amerikano.

“It’s malunggay day diba tisay @malia_obrian,” ani Pokwang sa caption ng Instagram video.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Pinuri naman ng mga netizen si Malia dahil hindi umano ito mapili sa pagkain at kumakain pa ito ng mga masusustansyang pagkain. Anila, kaya naman daw pala malusog at napakabibong bata ni Malia dahil kumakain ito ng gulay. Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Good job Malia. malunggay is a very powerful leaves. Lalu kang gaganda nyan baby doll. So sad I can’t have it (malunggay leaves) here anytime i want to””

“I love this girl–she’s such a healthy eater. Good girl Malia @itspokwang27”

“Galing galing naman ni Tisay kumakain ng gulay”

“Good girl naman si baby malia. kumakain ng gulay”

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Ang simple naman po kahit ano kinakain ni tisay. Godbless your fam Ms. Pokwang.”

Maging si Pokwang naman ay hinangaan ng marami dahil sa pagsasanay nito kay Malia na kumain ng gulay.

“Ang galing nio po mama @itspokwang27 sinanay nio po c bagets sa gulay. Good job momma”

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Bilib aqo sa pagpapakain mo sa beybi mo super sarap niyang kumain ang batang yan…Napansin ko din di sia choosy mas bet niya ang gulay na ulamin…Sana lahat ng growing up kids like her a good model to every one…Congrats mommy pokwang!”

“Sinanay kasi ni Nay Poks sa gulay si Malia when she started eating solid foods…well done kay Mama Poks Best Mum!”