Kung ka-cutean at kakulitan lamang ang pag-uusapan ay tiyak hindi papahuli ang napakagandang anak ng komedyanteng si Pokwang sa kanyang longtime partner na si Lee O’Brian na si Malia Francine.
Credit: @itspokwang27 Instagram
Kamakailan lamang ay muling naghatid ng good vibes si Malia sa maraming netizens matapos siyang magmatigas at hindi umalis nang “pinapalayas” siya ng kanyang Mommy Pokwang.
Sa isang video na ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram, mapapanood siyang sinisingil ang kanyang anak ng “upa”.
Umarte nga si Pokwang bilang isang “landlord” at pabirong siningil ang kanilang “tenant” na si Malia ng upa nito.
Credit: @itspokwang27 Instagram
Sa video mapapanood si Malia na nagbabahay-bahayan sa kanilang sala. Tila “inupahan” nga ni Malia ang kanilang sala dahil inukupa na nito ang kanilang sofa.
View this post on Instagram
Hindi na nga maupuan nina Pokwang at ng kanyang anak na si Mae ang sofa na nasa kanilang sala dahil nilagyan na ito ni Malia ng kumot at nagtayo ng kanyang sariling “bahay”.
Mapapanood sa simula ng video ang mahusay na pag-arte ng panganay ni Pokwang na si Mae.
Tanong ni Pokwang kay Mae, “‘Yun bang tenant natin nagbayad na?”
Sagot naman ni Mae, “Hindi pa nagbabayad ‘yan. Katukin niyo na ‘yan. Anim na buwan nang hindi [nagbabayad] ‘yan. Kalahating taon na ‘yan.”
Credit: @itspokwang27 Instagram
Tugon naman ni Pokwang, “Ay ganun ba? Kalahating taon nang hindi nagbabayad ang tenant natin na ‘to…Wala na kaming maupuan dito sa sala namin.”
Pinuntahan nga ni Pokwang si Malia na nasa loob ng itinayo niyang “bahay” sa kanilang sala. Mukhang nagulat naman si Malia nang silipin siya ng kanyang Mommy Pokwang at singilin siya nito ng upa.
Pagdadrama ni Pokwang, “Huy! Kailan ka magbabayad ng upa. Get out. Get out. This is my place. This is my house.”
Nagmatigas naman si Malia at iginiit na kanya umanong lugar ang inukupa niyang parte ng kanilang sala.
Ani Malia, “No. It’s my place.”
Credit: @itspokwang27 Instagram
Natawa na lamang si Pokwang matapos marinig ang sagot ng kanyang anak.
“Ayun po siya pa po ang matapang,” ani Pokwang sa video.
Caption ni Pokwang sa video, “PART 1 ng tenant story: yung tenant mo na matapang pa sa landlord hahahahhaha naku ate @maesubong hirap maningil ng paupa lalo na ganito ang sisingilin mo kagaya ni tisay @malia_obrian hahahhahhahaa naka ECQ daw hingi daw sya grace period 🤣😂”
Samantala, sa “part 2” naman ng “tenant story” na ipinost ni Pokwang, masaya niyang ibinalita na matagumpay nga nilang “napalayas” ang kanilang tenant na si Malia.
View this post on Instagram
Sa pangalawang video na ibinahagi ni Pokwang, mapapanood nga si Malia na wala nang nagawa kundi ay umalis sa kanyang lungga.
Kwento ni Pokwang sa caption, “PART 2 ng tenant story!!! finally napalayas kona sya hahahaa madali namannpala kausap!! pero nangatwiran muna! sabi nya im paying my rent in due hahhahhaa tama ba?”