Nag-ala ‘suklay diva’ ang anak ni TV host-comedian Pokwang na si Francine Malia O’Brian habang todo ang pagsayaw at pagkanta sa hit-song ng Korean Girl Group na “Blackpink”.

Sa video na i-pinost ni Pokwang sa Instagram, mapapanood si Malia na nagpapakitang gilas sa pagkanta hawak ang isang suklay bilang mikropono.

Isang total performer si Malia dahil hindi lang ito kumakanta kung hindi todo hataw din ito sa pagsayaw.
Maliban sa pagkanta at pagkembot, matutuwa ka rin sa ekspresyon ng mukha ng anak ng komedyante.

Caption ni Pokwang sa Instagram video, “Tisay @malia_obrian ang bagong suklay diva hahahahaha maka kill this love naman grabe”
Bukod sa hawak na suklay, mayroon ding mini stage si Malia. Dahil dito, aakalain mo talagang nasa isang concert at nagpe-perform ang napaka-cute na anak ni Pokwang.
Katulad ng isang ‘diva’ ay mayroon ding signature pose si Malia pagkatapos ng kanyang performance.

Pinusuan at kinaaliwan naman ng mga netizen si Malia dahil sa pagiging cute at talented nito. Sinabi ng netizens, kakabugin pa raw ni Malia ang kanyang Mommy Pokwang sa pagiging total performer!
Komento ng netizens:
“taray ni Malia! Total performer!”

“blink baby…talaga nga naman me pa stage ang tisay na ito…kagigil ka Malia, pakagat”
“Mamang @itspokwang27 sa suklay talaga nag-uumpisa yan…suklay muna ang mic and soon superstar na sya hihihi ang cute”

“Ang cute naman ni Tisay”
“Too much cuteness”

“Wahahahaha aba nag-improve lalo this time nag chacharacter..k!ll it my malia. (u really made me smile) mamang @itspokwang27 naku kakabugin k na hahaha i master mo na how to be MANAGER/MOTHER”

Samantala, hindi maipagkakaila na may future ang anak ni Pokwang sa pag-aartista.
Sa isa pang hiwalay na Instagram video, ay makikita naman si Malia na nag-eemote sa harap ng salamin. Sa video mapapanood si Malia na gumagawa ng iba’t ibang emosyon. Umiyak at naggalit-galitan ito habang nag-eenjoy sa pagkain ng kanyang popsicle ice cream.

Ani Pokwang sa caption ng video, “Arte artihan si tisay @malia_obrian. Hahahahaha kakain lang ng popsicle may pa arte artihan pa sa salamin hahahahaha ano be yan anak @malia_obrian huuuyyy”

Si Francine Malia ay anak nina Pokwang at actor Lee O’Brian. Nitong January 18 lamang ay nagdiwang si Malia ng kanyang ika-dalawang taong kaarawan.