Anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin, ipinasilip ang simple ngunit magandang white-themed bedroom niya

Pinasok na rin ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin ang pagba-vlog. Sa kanyang latest vlog, masayang ipinasilip ni Lorin ang kanyang white-themed bedroom.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

Unang makikita sa kwarto ni Lorin ang koleksyon niya ng mga sapatos. At taliwas naman sa akala ng marami, mura lamang ang karamihan sa furniture na makikita sa kwarto ni Lorin. Tulad na lamang ng mga shelf na nabili niya online.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

“When you walked in, the first thing you see is the [shoe] shelf which didn’t come with the house. I bought it from shopee. Most things in my room are from shopee because it cheap and easy,” ani Lorin.

Sunod na ipinasilip ni Lorin ang kanyang book shelf na punong-puno ng iba’t ibang klase ng libro. Kwento ni Lorin, talagang mahilig siyang magbasa. Mahilig din umano siyang mangolekta ng mga notebook.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

Isang full-length mirror naman ang matatagpuan sa tabi lamang ng shoe shelf ni Lorin. Bukod sa mga libro, mahilig din si Lorin sa musika patunay dito ang pagmamay-ari niyang instrumento, ilang posters ng iniidolo niyang rappers at isang malaking poster ng album ng singer na si Frank Ocean na “Blonde.

Matatagpuan naman sa pinakagitnang bahagi ng kwarto ni Lorin ang isang TV stand. Pag-amin pa ni Lorin, ngayon pa lamang siya nagkaroon ng isang TV sa loob ng kanyang kwarto.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

“First time in my life I’ve had a TV in my room and it is life-changing,” aniya.

Favorite spot naman ni Lorin sa kanyang kwarto ang kanyang giant bean bag kung saan madalas siyang nagbabasa ng libro.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

Ipinakita rin ni Lorin ang ilan sa pagmamay-ari niyang designer bags. Kabilang dito ang paborito niyang Croc Kelly bag na regalo sa kanya ng kanyang lola na si Annabelle Rama.

Punong-puno naman ng mga gamit na may sentimental value para kay Lorin ang kanyang study table. Ayon kay Lorin, wala masyadong nag-iba sa kanyang kwarto dahil hangga’t maayos pa ang kanyang mga gamit ay hindi siya bumibili ng bago dahil magastos umano ito.

“A lot of the stuff in my room is the same from my first room tour just because furniture is really expensive and if still works there’s no point to re-buy stuff so much,” saad ni Lorin.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

Nilinaw din ni Lorin na siya lamang ang nagdisenyo sa kanyang kwarto. Hangad naman niyang may makuhang design ideas ang netizens mula sa kanyang room tour.

Aniya, “My room isn’t professionally decorated or anything. I pretty much did this all myself and I understand it’s like really simple. But regardless, I hope you got some ideas on how to spice up your own room.”

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

Huling ipinakita ni Lorin sa kanyang updated room tour ang kanyang kama at isang eleganteng chandelier.