Anak ni Ryza Cenon na si Baby Night, bininyagan na!

Bininyagan na ang anak ni Ryza Cenon sa kanyang non-showbiz partner na si Miguel Antonio Cruz na si baby Night. Martes, January 26, ginanap ang binyag na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga Ninong at Ninang ni baby Night.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Spotted naman sa binyag ang matalik na kaibigan ni Ryza na si actress LJ Reyes na tumayong Ninang ni baby Night.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ryza ang ilang larawan kuha mula sa binyag ng kanyang unang anak.

Credit: @iamryzacenon Instagram

May mensahe naman si Ryza para sa kanyang anak sa pagiging ganap nitong Kristiyano.

Ani Ryza, “Start your journey towards God’s eternal blessing for the rest of your life. May the holy spirit always surround you and protect you! God bless you anak. Be good to everyone. Welcome to the Christian world! We love you anak @iamnightcruz 🥰😘”

Credit: @iamryzacenon Instagram

Nagpasalamat naman ang ama ni baby Night na si Miguel sa lahat ng naging parte sa espesyal na araw ng kanilang anak.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Miguel ang Nice Print Photography na siyang nag-cover sa binyag ni baby Night.

Pinasalamatan din ni Miguel ang La Belle Fete na tumayong organizer ng “new normal” binyag ng kanyang anak.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Nangako naman sina Ryza at Miguel na personal nilang pasasalamatan ang mga taong naging bahagi ng binyag ng kanilang anak sa oras na maging maayos na ang sitwasyon at ligtas na ang magtipon-tipon.

“Welcome to the Christian world son! To Night’s godparents, thank you for all of your love and support. Once it is finally safe to do so, me, mommy @iamryzacenon, and Night promise to thank each and every one of you in person,” ani Miguel sa kanyang Instagram post.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Si baby Night ay magdidiwang ng kanyang ika-3 buwang gulang na kaarawan ngayong darating na January 31.

Matatandaan na isinilang ni Ryza si baby Night noong October 2020. July 2020 naman nang inanunsyo ni Ryza ang kanyang pagbubuntis.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Samantala, sinabi naman ni Ryza sa isang panayam na wala pa silang plano ni Miguel na magpakasal. Ayon sa aktres, pokus muna umano sila ni Miguel sa kanilang anak.