Anak ni Sunshine Cruz na si Angelina, handang gumawa ng sariling pangalan sa showbiz sa pinakaunang pelikula na “Love Is Color Blind”

May mga tao talagang nakatadhana nang maging kabilang sa industriya ng showbiz na tila ba’y matagal ng nakasulat ang kanilang pangalan sa mga artistang siguradong sisikat sa larangan ng pag-arte.

Credit: @angelinaisabele Instagram

Nagmula sa pamilyang kilala sa industriya at dahil sa mga magulang na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano na parehong sikat, pamilyar na sa publiko ang kanilang panganay na anak na si Angelina Cruz.

Ayon sa karamihan, madali lamang para kay Angelina ang pumasok sa showbiz ngunit handa siyang patunayan na kayang-kaya niyang bumuo ng sariling pangalan at reputasyon na talagang titingalain ng karamihan.

Credit: @angelinaisabele Instagram

Originally, isa talagang singer ang 20 taong gulang na si Angelina ngunit kumakailan lamang nang napagtanto niyang gusto niyang maging artista.

Mahigit tatlong taon na ang nakalilipas simula ng inilabas ang debut album ni Angelina at ngayon na handa nang sumabak sa pag-arte, nagkataon namang nakatanggap siya ng isang malaking opportunity kung saan ay isa siya sa mga artistang bibida sa inaabangang pelikula na “Love Is Color Blind” at kung saan ay makakasama niya ang sikat na tambalan ni Donny Pangilinan at Belle Mariano o kung tawagin ng kanilang fans bilang “DonBelle”.

Credit: @angelinaisabele Instagram

Sa katotohanang ito ang pinakaunang proyekto ni Angelina bilang isang aktres, labis ang kanyang paghahanda at hindi naiwasang makaramdam ng challenge ngayong sasabak na siya sa acting lalo na’t ang huli niyang project ay isang sitcom na may malaking pagkakaiba sa isang film.

“My last project was actually a sitcom so very light lang siya and very different from filming a movie because it’s very detailed kaya I had to really learn, I had to adapt,” kuwento ni Angelina.

Ayon pa kay Angelina, isa umanong karangalan ang maging kabilang sa isa sa mga malaking proyekto ng Star Cinema at makasama ang DonBelle.

Credit: @angelinaisabele Instagram

Of course, lumaki sa kaalamang parehong celebrities ang mga magulang, ang kanyang Mommy Sunshine umano ang nagbibigay sa kanya ng payo tungkol sa pagganap niya sa kanyang karakter na talaga namang nagbigay sa kanya ng malaking push upang mapagtagumpayan ang pagganap niya bilang si Iris.

Itinuturing namang big break ni Angelina ang “Love Is Color Blind” dahil sa kabila ng katotohanang parehong kilala sa industriya ng showbiz ang kanyang parents, nais din niyang patunayan ang sarili na may potensyal siya upang maging isang mahusay na aktres.

Credit: @angelinaisabele Instagram

Hindi lamang ang DonBelle ang inaabangan ng mga manonood dahil excited na rin ang mga ito na matunghayan ang kahusayan ni Angelina sa pag-arte at sinigurado naman ng aktres na hindi sila mabibigo.