Anak ni Toni Gonzaga at Derek Paul Soriano na si Seve, apat na taong gulang na at binigyan ng intimate birthday celebration

Isang intimate birthday party ang inorganisa ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano para sa ikaapat na kaarawan ng kanilang unico hijo na si Severiano Elliott o mas kilala sa palayaw nitong ‘Seve’ nitong September 30.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram       

Sa Instagram ay ibinahagi ni Toni ang ilang larawan kuha mula sa pagdiriwang ng kaarawan ng anak.
Caption ng IG post ni Toni, “Our favorite day of the year! Happy birthday Seve! We love you so much!”

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram

Ayon sa nakalagay na lokasyon sa IG post ni Toni ay nangyari ang party sa The Monochrome Nuvali sa Santa Rosa City, Laguna.

Isang malaking inflatable playground ang ipinalagay nina Toni at Paul para sa kaarawan ng anak. Nag-ala manong sorbetero rin si Derek Paul habang binibigyan ng sorbetes o ice cream si Seve.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram

Kahit simple lang ang naging pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan ay halatang nag-enjoy pa rin si Seve.

Ito ang unang beses na hindi magarbo ang set up ng kaarawan ng nag-iisang anak nina Toni at Paul. Matatandaang sa mga dati niyang kaarawan ay parating bongga ang mga theme nito. Noong nakaraang taon, napaka-engrande ng train-themed party na inihanda nina Toni at Paul para sa kaarawan ng anak.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram

 

View this post on Instagram

 

His birthday dance! Go Sevs!🥰

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

Samantala, dahil bawal pa rin ang mga mass gathering ngayong panahon ng [email protected] ay immediate family lang muna nina Toni at Derek Paul ang nakadalo sa birthday party.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram

Ngunit sa mga larawang ibinahagi ng mag-asawa sa social media ay makikitang pamilya lang ni Derek Paul ang nakadalo sa party.

Credit: Paul Soriano Instagram

Hindi nakadalo ang magulang pati na ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga sa kaarawan ni Seve.
Gayunpaman, sa comment section ng post ay nagbigay ng mensahe ang magulang at kapatid ni Toni para kay Seve.

Komento ni Pinty Gonzaga, “hi my cute seve boy happiest birthday apo [heart emoji] sorry we missed your party. more birthday to come more blessings and good health! love you always pogiiii [heart emoji]”

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram

Sa Instagram ni Alex ay ibinahagi nito ang isang larawan kung saan kasama niya si Toni at Seve.
Sa caption, nagbigay ng mensahe si Alex para sa nag-iisa niyang pamangkin.

Credit: Severiano Elliott Instagram

Ani Alex, “Happy Birthday Seve!! Tata will always be here for you as the cooler 2nd mom! Hihihihih love you baby! @severianoelliott”

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Binati rin si Seve ng mga kasamahan ni Toni sa showbiz. Kabilang dito sina Maja Salvador, Luis Manzano, Julia Barretto, Melai Cantiveros, Marjorie Barretto, Jolina Magdangal at marami pang iba.