Anak ni Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, proud na nakapagtapos sa Nursery

Isa na namang achievement ang ipinagdidiwang ngayon ng pamilyang Luna-Sotto dahil sa accomplishment ng baby girl ni Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si baby Tali.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Bilang isang magulang na talagang nakatutok sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, normal lamang na maging proud sila sa bawat achievement ng mga ito katulad na lamang ng Kapuso actress at TV host na si Pauleen Luna-Sotto na sobrang saya ngayon dahil sa wakas, graduate na ng nursery ang unica hija nila ng asawang si Vic Sotto.

At dahil p@ndemic, ang noo’y personal na pagpunta ng mga bata at mga estudyante sa lahat ng level ng edukasyon ay nakukulong na lamang ngayon sa kani-kanilang bahay at silid. Imbes na personal na interaksyon kasama ang kanilang teachers at mga kaklase, nakatutok na lamang ngayon ang mga bata sa module o hindi kaya’y screen ng kanilang gadgets upang makapasok lamang sa online classes.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Ayon kay Pauleen, nalulungkot siya para sa anak dahil ang unang taon na pagpasok nito sa paaralan ay sa pamamagitan lamang ng online class kaya sobrang hirap talaga para sa kanilang mag-adjust pero hindi naman nagtagal nang nasanay na si baby Tali. Sa katunayan, mapapanood sa videos at updates ni Pauleen sa social media kung paano ka-lively ang kanyang anak sa bawat klase.

Matapos ang isang school year, sa wakas ay nagbunga na rin ang paghihirap ng mag-ina lalong-lalo na ni baby Tali dahil nito lamang nang grumaduate siya sa nursery kaya naman ganoon na lamang ka-proud ang kanyang Mommy Pauleen.

Dahil sa kasiyahan na nararamdaman niya ngayon, ipinahayag ni Pauleen ang kanyang pasasalamat sa Instagram kalakip ng larawan ni baby Tali kung saan ay makikita itong nakasuot ng puting dress at nakahawak ng diploma habang nakangiti.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“This little girl graduated Nursery today 🥺 I can’t believe we survived 1 whole school year of online class! I cannot wait for the day when she’ll be able to bond with her classmates in person but i am grateful for the time we spent (and fought 🤣) during classtime!”

Sa parehong post, binati rin ni Pauleen ang lahat ng parents at ng mga taong nasa likod ng success ng kanilang mga anak ngayong taon.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Tunay nga na ang achievement ng mga anak ay ang pride at joy ng mga magulang. Congratulations, baby Tali!