Anak ni Zeinab Harake na si Baby Bia, cute na cute habang suot ang kanyang Disney Princess-inspired costumes!

Sa pagsibol ng makabagong panahon kung saan maraming platform ang nabuo upang i-connect ang mga tao ay marami ang nagkaroon ng benepisyo nito. Katulad na lamang ng YouTube kung saan ay nagagawa ng mga taong magbahagi ng mga nakakatuwa at worth it panoorin na mga videos na nagsilbing daan upang mag-spread ng good vibes.

Taong 2019 nang nag-umpisa sa pagva-vlog si Zeinab Harake at ngayon ay isa na nga sa mga kinikilalang vlogger sa Pilipinas at itinuturing na bigating personalidad. Nang nagsimulang pasukin ang paggawa ng mga vlogs ay nagtuloy-tuloy ito hanggang sa nakamit niya ang lahat ng kanyang pangarap.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Sa kasalukuyan ay may mahigit 10.8 milyong subscribers na si Zeinab sa sariling YouTube channel at patuloy pa itong dumadami.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng karamihan lalo na ng kanyang fans ang relasyon ni Zeinab sa Filipino rapper at singer-songwriter na si Daryl Ruiz o mas kilala ng karamihan bilang si Skusta Clee. Alam ng lahat na hindi naging smooth ang relasyon nina Zeinab at Daryl bilang magkasintahan. Dumaan sila sa maraming pagsubok na siyang dahilan ng kanilang on at off na relationship pero nang dumating si baby Bia sa kanilang buhay ay mas lalo lamang nitong pinatatag ang kanilang relasyon.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Kumakailan lamang nang isinilang ni Zeinab ang baby girl nila ng boyfriend na si Daryl. Pinangalanan nila ito bilang si baby Zebbiana na hango sa title ng kanta noon ni Daryl para kay Zeinab at baby Bia naman bilang palayaw nito.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Nito lamang Hulyo nang tumungtong sa ikalawang buwan si baby Bia. Bilang selebrasyon ay muli siyang nagkaroon ng photosho0t kung saan ay nagbihis siya bilang si Cinderella. Sa sariling Instagram account ni baby Bia ay makikita ang kanyang napaka-adorable na larawan sa ginawang sho0t.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Suot ang blue-crocheted na outfit ay hindi naman maitatanggi na sobrang cute ni baby Bia. Sa katunayan ay marami ang hindi maka-get over sa cuteness ng anak ni Zeinab.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Para naman sa ikatlong buwan ni Baby Bia ay Princess Jasmine naman ang naging tema ng kanyang kasuotan na talaga namang bagay na bagay din sa sanggol.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Matatandaang sa ika-unang buwan rin ni Bia ay isa ring disney princess ang kanyang costume at ito ay si Princess Aurora ng sikat na fairytale na Sleeping Beauty.