Anak nila Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, game na tinulungan ang kanyang daddy Erwan sa kusina

Isa ngayon ang pamilya ni Anne Curtis at Erwan Heusaff sa mga pamilya sa mundo ng showbiz na talaga namang sinusubaybayan ng karamihan. Bukod sa katotohanang isang sikat na aktres si Anne at kilalang YouTuber at entrepreneur naman ang kanyang asawa na si Erwan ay maraming tao ang patuloy na tinututukan ang kanilang buhay. Ito ay dahil  napakasaya nila bilang isang pamilya at nakaka-enjoy silang subaybayan. Mas lalo lamang silang kinagiliwan ng netizens nang nagkaroon sila ng anak na si baby Dahlia.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sa pagdating ni baby Dahlia sa buhay ng mag-asawa na si Anne at Erwan noong taong 2020 ay mas lalo silang nakaramdam ng saya na hindi nila naranasan noon. Tuwa at saya na walang mapagsidlan ang hatid ni baby Dahlia sa buhay ng kanyang mga magulang.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Anne ang mahigit dalawang minuto na video. Sa simpleng “SaturDATE” kasama ang pamilya ay makikita sa video ni Anne na nasa kusina sila ng kanilang bahay at si baby Dahlia ay masayang tumutulong sa ama na si Erwan sa mga gawaing kusina.

Proud Mommy si Anne nang tumulong ang isang taong gulang na anak na si baby Dahlia kay Erwan sa pamamagitan ng pagbibigay at pagpapasa ng ingredients na hinihingi nito. Nang natapos sa pagbibigay ng sangkap si baby Dahlia sa kanyang ama ay makikitang pumapalakpak at tumatalon-talon ito sa saya.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Ayon pa nga kay Anne ay “Papa’s little helper” umano si Dahlia.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sa video ay maririnig din na nag-uusap si Erwan at si Dahlia sa salitang french.

“I used to obsess over father-daughter cooking videos on Facebook & now I slowly get to see my own version IRL (in real life) as she gets older,” pahayag ni Anne sa kanyang caption.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Makikita rin sa parehong video ang pagbibigay ni Erwan ng prutas kay baby Dahlia. Medyo nagulat pa nga ang mag-asawa nang nakilala ng anak ang prutas at sinabing isa iyong “plum”. Napaka-cute rin ng naging reaskyon ni baby Dahlia nang tanungin siya ni Anne kung masarap ba ang kinakaing prutas.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Dahil sa pagiging adorable ng anak sa bawat ginagawa ay hindi naman napigilan ni Anne ang tawa sa likod ng kamera.

“Please excuse my annoyingly proud mama voice and reactions,” sabi ni Anne.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Umani naman si Dahlia ng mga papuri galing sa mga celebritity at iilang fans sa comment section ng post ni Anne.