Anak nila Iya Villania at Drew Arellano na si Alana, cute na cute sa gesture nitong pagpapatahimik sa kanyang mommy

Kailanman ay hindi binigo ng kaisa-isang babaeng anak ni Iya Villania at Drew Arellano ang maghatid ng katatawanan sa netizens dahil kumakailan lamang, muli itong naghatid ng good vibes sa karamihan.

Credit:Β @drewarellano Instagram

Talagang punong-puno ng ideya at kabibohan ang bunso ng pamilyang Villania-Arellano na si baby Alana o kung tawagin ng kanyang Mommy at Daddy bilang si Duday.

Maliban sa kanyang makukulit na mga Kuya na sina Primo at Leon, napakabibo rin ni baby Alana kahit na’y isang taong gulang pa lamang ito!

 

Credit:Β @drewarellano Instagram

Sa video na kasalukuyan ngayong bentang-benta sa netizens, mapapanood si baby Alana na abalang-abala sa panonood katabi ang kanyang Daddy Drew habang palagi naman siyang kinakausap at sinusundot ng kanyang Mommy Iya. Seryoso sa panonood, hindi na napigilan ng bunsong babae ni Iya at Drew na patahimikin ang kanyang makulit na Mommy at sinabihan ito ng “Shhh” habang nakalagay ang hintuturo sa labi.

Ngayo’y napansin na upang patahimikin, kaagad at ilang ulit na humingi ng “Sorry” si Iya sa anak dahilan kung bakit labis na natawa si Drew.

“Keep quiet daw,” natatawang sinabi ni Drew sa asawa.

Credit:Β @iyavillania Instagram

Kaagad naman na kinagiliwan ng netizens ang seryoso mode ni baby Alana kung saan ay ayaw pa nitong magpadisturbo sa kanyang Mommy.

Biyernes, November 5 nang napatawa rin ni baby Alana ang karamihan dahil sa ibinahaging larawan ng kanyang daddy Drew sa Instagram kung saan ay makikitang nakatulog siya habang nasa kalagitnaan ng kanyang pooping session.

Credit:Β @iyavillania Instagram

“Kapit lang, Duday! Malapit na mag weekend! πŸ˜‚ #SandalTulogGang,” sulat ni Drew sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)

Hindi lamang ito bumenta sa fans ni Iya at Drew dahil patok na patok din ito sa kapwa nila celebrities.

“pasado na si duday sa pre-requisite inidoro shot by the parentsπŸ˜‚πŸ‘πŸ½,” saad ni Ryan Agoncillo sa comment section.

“Omg πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚,” sabi ni Kryz Uy.

 

Credit:Β @drewarellano Instagram

“πŸ˜‚” simpleng komento naman ni JC de Vera.

Talagang walang araw na nakakaramdam ng boredom ang buong pamilya dahil sa bibo nilang bunsong anak na si Duday plus ang makukulit pa nilang dalawang lalaking anak na sina Primo at Leon.

Dahil sa nag-uumapaw na cuteness at kakulitan ni baby Alana, marami na ngayon ang naghihintay at nag-aabang sa iba pang larawan o hindi kaya’y video na punong-puno ng good vibes na talaga namang aantig sa puso ng netizens.