Anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia, ibinida ang talento sa pagkanta sa birthday ng kanyang mommy Marian

Kahit sobrang aga pa man para sabihin, tiyak na isa si Maria Letizia Dantes sa mga susunod na big stars sa lokal na industriya ng showbiz dahil sa ipinapakita niyang potential sa napakamurang edad!

Credit: @marianrivera Instagram

Parehong sikat at kilala ng sa mundo ng showbusiness ang couple na si Marian Rivera at Dingdong Dantes kaya talagang natural lamang na exposed din sa publiko ang personal nilang buhay lalong-lalo na ang kanilang mga chikiting na sina Maria Letizia at Jose Sixto na mukhang nagmana rin sa kanilang talented na parents dahil sa napakamurang edad, unti-unti na nilang ipinapakita ang kanilang kakayahan sa iba’t-ibang larangan.

Matatandaan kumakailan lamang nang ibinida ng panganay at unica hija ni Marian at Dingdong na si Maria Letizia o kung tawagin nilang si Zia na tumutugtog sa piano ng piyesang “Für Elise” ni Beethoven at nito lamang, muli na naman niya tayong pinabilib dahil may talento rin pala siya sa pagkanta!

Maliban sa sandamakmak na celebrities na present sa birthday celebration ng “Asia’s Primetime Queen,” highlight din sa party ni Marian ang ibinigay na performance ng kanyang panganay kung saan ay ginulat niya ang lahat dahil sa kanyang mala-anghel na boses habang kumakanta ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” isang orihinal na kanta ni Rey Valera.

Sa video, mapapanood ang effortless na kinakanta ni Zia ang bawat lyrics ng kanta dahilan kung bakit proud na napahiyaw ang kanyang Mommy Marian.

“Anak ko ‘yan!” pagmamalaki ni Marian habang kumakanta at pinapalakpakan ng guests si Zia.

In fairness, napakagaling niyang kumanta dahilan kung bakit kuhang-kuha niya ang puso ng netizens. Iilan lamang ang mga ito sa kanilang naging komento:

“So beautiful and so talented i love you zia❤”

Credit: @marianrivera Instagram

“Wow beautiful voice and very pretty girl 💕👏👏”

“sobrang galing ni zia at napakasimpleng bata parang wlang kaarte arte sa katawan”

“She has that beautifu sweet voice..❤️❤️ galing Z..”

Ilang ulit na naman nating nakita si Zia sa posters, mga magazine at napapanood sa advertisements ngunit ang madiskubreng hindi lang pala “pretty face” ang panganay na anak ni Marian at Dingdong ay tunay nga namang nakakahanga lalo na’t patuloy siya sa pagbibida sa kanyang husay at galing sa larangan ng music.