Anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia, umaapaw ‘di lang sa ganda pati na rin sa kasipagan

Pinahanga muli ng anak nina Kapuso stars Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia Dantes o mas kilala sa palayaw nitong ‘Zia’ ang netizens dahil sa pagiging masipag nito.

Credit: @marianrivera Instagram       

Tunay ngang ang maayos na pagpapalaki ng isang magulang ay makikita sa mga ginagawa ng kanyang anak. Isang patunay dito si Zia.

Credit: @marianrivera Instagram

Sa edad na apat na taon ay naging kaagapay na ni Marian si Zia sa mga gawaing bahay.

Bukod kasi sa pagmo-mop ng sahig ay marunong na rin itong maghugas ng mga pinggan.

Credit: @thedongyanatics Instagram

Sa isang maiksing video na ibinahagi ni Marian sa Instagram ay makikitang naghuhugas si Zia.

Mukhang nakakita rin ng masayang pagkakaabalahan si Zia dahil masigla ang mga galaw nito habang naghuhugas.

Credit: @thedongyanatics Instagram

Dahil sa kanyang cute na height ay kinailangan pa nitong tumungtong sa isang maliit na upuan para maabot ang lababo.

Napaka-cute rin ni Zia sa suot nitong apron na talagang pinagawan pa ito nila Mommy Marian at Daddy Dingdong.

 

View this post on Instagram

 

Ang sipag naman! 😁

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics) on

Matatandaang nag-viral din si Zia kamakailan lang dahil sa video na ibinahagi ni Marian kung saan ay masipag na nagmo-mop ng sahig si Zia.

Credit: @thedongyanatics Instagram

Proud parents talaga ang DongYan dahil sa nakikita nilang kasipagan ng anak.

 

View this post on Instagram

 

Napakasipag na bata.. ☺️ 📽: MarianRivera’s IG story #ZiaDantes #MariaLetiZia

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics) on

Nagpapatunay din itong tinuturuan ng celebrity parents na maging masipag ang mga anak sa pamamagitan ng pagtuturo kay Zia ng mga gawaing bahay.

Samantala, bukod sa paglilinis at paghuhugas ay masipag din si Zia sa pag-aaral.

Credit: @thedongyanatics Instagram

Sa mga video at larawan na ibinabahagi ng kanyang parents sa social media ay makikita si Zia na pokus sa kanyang online class. Complete package talaga si Zia. Beauty, brains at good attitude!

Maraming netizens ang humanga ‘di lang kay Zia pati na rin sa mga magulang nito dahil sa pagsasanay na ginagawa nila sa panganay na anak.

Credit: @marianrivera Instagram

Komento ng ilang netizens:

“ang galing naman n zia”

“nakakaproud at an early age Zia is being taught on household chores. naka tungtong pala si Zia. ingat baby girl”

Credit: @marianrivera Instagram

“Cute na cute naka apron pa”

“Good job ate Zia Dantes. Helping hand to your Mama & Daddy”

Credit: @marianrivera Instagram

“GOOD GURL NAMAN YANYAN”

“Magaling na nanay si Marian”