Talagang kakaiba ang tuwa at sayang naibibigay ng isang baby dahil sa simpleng kakulitan lamang nito, kaagad na tayong napapatawa.
Credit:ย @rodjuncruz Instagram
Sa pagdating ng anak ni Rodjun Cruz at Dianne Medina na si baby Joaquin sa kanilang buhay, talagang walang boring na araw ang couple dahil sa kakulitan overload ng kanilang baby boy.
Sa pinakabagong post ni Rodjun sa kanyang Instagram account, mapapanood kung gaano kabibo at kakulit si baby Joaquin na kaagad namang umani ng atensyon ng netizens.
Sa maikling video na ibinahagi ng proud Daddy, maririnig kung paano niya kinukumbinse ang anak na ipakita sa mga manonood ang kanyang “beautiful eyes” at “pa-cute face”.
Credit:ย @rodjuncruz Instagram
“Beautiful eyes + Pacute face haha!๐๐๐ Galing naman ng @babyjoaquinilustre ko!๐ถ๐ป๐๐ป” saad ng aktor sa kanyang caption.
Dahil sa pagpapakitang-gilas at pagpapabibo ni baby Joaquin, kaagad siyang kinagiliwan ng fans.
“Cute๐๐๐ฅโค๏ธโค๏ธโค๏ธ”
“โค๏ธโค๏ธ๐๐ฎ๐kaguwapo nmn”
Credit:ย @rodjuncruz Instagram
“Super pogi ๐”
“Hayyy,baby Joaquin, kakagigil ka na talaga!!”
September 10 noong nakaraang taon nang sa wakas ay sinagot ng Panginoon ang isa sa mga hiling ni Dianne at ito ay ang mabiyayaan sila ni Rodjun ng baby boy.
“My Answered Prayer my Baby Rodolfo Joaquin Diego III ๐,” ayon kay Dianne kalakip ng mga larawang meron siya noong nasa hospital pa lamang sila.
Ngayon na isang taong gulang na, halos hindi makapaniwala ang netizens sa napakabilis na pagdaan ng panahon dahil parang kahapon lamang nang isinilang ni Dianne ang baby boy nila ni Rodjun.
Credit:ย @rodjuncruz Instagram
Sinakop na rin ni baby Joaquin ang Instagram account ng kanyang Daddy Rodjun dahil punong-puno na ito ng mga larawan niya at kumakailan lamang nang nagbahagi ang aktor ng isang maikling video kung saan ay featured ang lahat ng naging bonding nila ng anak.
Kumakailan lamang nang ipinagdiwang ni Dianne at Rodjun ang unang kaarawan ni baby Joaquin kung saan ay nagkaroon sila ng bonggang celebration kung saan ay nagmistulan pa silang nasa zoo! Talagang masasabing mahilig si baby Joaquin sa mga hayop.
View this post on Instagram
Isang taong gulang pa lamang ngayon, kapansin-pansin na ang kagwapuhan ni baby Joaquin na namana naman niya sa kanyang mga magulang. Hindi na kataka-taka kung sa paglaki nito, papasukin din niya ang showbiz katulad ng kanyang Mommy Dianne at Daddy Rodjun.
Kilala bilang isa sa mga gwapong aktor si Rodjun noon pa man hanggang ngayon at sa kagwapuhan ng anak, malaki rin ang potensyal ni baby Joaquin na maging heartthrob!