Anak nila Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, ipinamalas ang kanyang mala-anghel na boses sa bagong Christmas station ID ng Eat Bulaga

Ramdam na ramdam na ng maraming Pilipino ang diwa ng Pasko, lalo na’t lumabas na ang mga Christmas song ng mga pinapanood nating palabas sa TV.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

At isa sa mga TV show na taon-taon ay naglalabas ng kanilang Christmas song ay ang longest running noontime show sa Pilipinas na “Eat Bulaga.”

Kamakailan lamang nang inilabas ng Eat Bulaga ang kanilang Christmas song na pinamagatang “Parating Na Ang Pasko.”

At para sa taong ito, isa sa pinakatampok sa Christmas song ng show ay ang napaka-talented at bubbly na anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali.

Proud na ibinahagi ni Pauleen ang music video ng nasabing Christmas song sa kanyang Instagram account kung saan nga ay tampok si Tali.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Makikita sa video na isa si Tali sa mga kumanta ng bagong Christmas song ng “Eat Bulaga” kasama ang mga batikang host ng palabas na sina Tito Joey de Leon, Sen. Tito Sotto, Paolo Ballesteros, Maine Mendoze, Wally Bayola at marami pang iba.

Umani nga ng maraming papuri mula sa netizens ang pag-awit ni Tali sa Christmas song. Tumunaw sa puso ng maraming netizens ang mala-anghel na boses ni Tali. Kahanga-hanga rin ang malinaw na pagbigkas ni Tali sa mga linya ng kanta.

Kaya naman hindi maiwasan ni Pauleen na maging proud mom kay Tali.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa caption ng kanyang post, inamin ni Pauleen na hindi niya mapigilang maluha habang pinapanood si Tali na kumakanta. Taos-puso rin nagpasalamat si Pauleen dahil sa oportunidad na ibinigay ng palabas sa kanilang anak.

“It’s TALI!!! ❤️ Grateful to @eatbulaga1979 for this opportunity! Vic and i found ourselves teary-eyed while watching the video! Sa totoo lang, ang sakit sa lalamunan mag pigil ng iyak,” ani Pauleen.

Bukod sa pasasalamat sa Eat Bulaga, sumulat din si Pauleen ng isang taos-pusong mensahe para kay Tali dahil sa saya na hatid nito sa kanilang pamilya.

Aniya, “My little love, thank you for making mom and dad SOOOO proud! Thank you also for sharing with us your sweet angelic voice! All glory and praise goes out to our Lord Jesus Christ for blessing us with Tali! Araw araw pasko sa aming tahanan dahil sa iyo anak.”

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen na napa-wow sa performance ni Tali.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Very good Tali!!! so proud of you lil girl”

“Angelic voice napaka galing. Nakaka proud”

“super like…the best eat bulaga…super cute Tali”

“taliiii!!! nakaka teary eye nga”