Maraming netizen ang pinahanga ng 19-year old na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha matapos nitong kantahin ang hit-single ng American diva na si Beyoncé na “Listen”.

Sa Instagram ay proud na ibinahagi ni Charlene ang video ng singing performance ni Atasha.
“My love…..@atashamuhlach,” caption ng proud nanay na si Charlene.
View this post on Instagram
May sariling bersyon at istilo si Atasha sa pagkanta ng “Listen”. Kapansin-pansin din ang napakaganda at napakaamong boses nito na umani ng marami pang singing request mula sa netizens.
Sa video ay ipinamalas din ni Atasha ang galing nito sa pagtugtog ng piano.

Marami tuloy netizen ang nagkomento na napaka-talented ng anak nina Aga at Charlene.
“Wow! very talented”
“Oh my, very talented girl, singer? Whoa!”
“What a big powerful voice. Record and Post more on that talent. Dont hide it.”

“Wow Ganda ng voice”
“Super talented beauty and brain pa!”
Samantala, wala na ngang hihilingin pa sina Aga at Charlene sa anak. Bukod sa talento sa musika ay isang painter at athlete rin si Atasha. Proud naman si Charlene dahil sa kabila ng pagiging talentado ni Atasha ay nanatili itong mabait at may takot sa Diyos.
Kamakailan lang ay binati at nagbigay ng mensahe si Charlene sa anak sa pagtatapos nito ng High School.

“Congratulations on your high school graduation. Ultimately, know that we are extremely proud of the kind hearted & god fearing person you have become. We celebrate you and Andres everyday & your dad & I are extremely excited for what life has in store for the both of you. Continue dreaming & reaching for your dreams & putting God first in all your plans and he will lead your path”
Hindi man gaanong lumalabas sa telebisyon si Atasha at ang kambal nito na si Andrés ay sinusubaybayan pa rin sila ng marami. Namana nina Atasha at Andrés ang genes ng mga magulang nila dahil hindi rin sila magpapahuli sa ganda at kagwapuhan.

Madalas nga silang tanungin kung may plano ba silang pasukin ang pag-aartista. Para naman kina Aga at Charlene ay pokus muna raw ang mga anak sa kanilang pag-aaral.