Anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo, kinaaliwan ng netizens dahil sa cute na pagsasayaw

Kamakailan lamang ay bumalik si Philmar Alipayo sa Maynila at muling nakasama ang kanyang partner na si Andi Eigenmann pati na rin ang kanilang anak na si Lilo.

Credit: Andi Eigenmann Instagram     

Limang buwan din na hindi nakasama ni Philmar ang kanyang mag-ina dahil nasa Maynila ang mga ito habang siya naman ay nasa Siargao. Napagdesisyunan nila ni Andi na manatili na muna siya sa isla ng Siargao para asikasuhin ang ipinapagawa nilang bahay doon.
Plano kasi nila ni Andi na pagkatapos nitong manganak sa susunod na taon ay uuwi sila sa isla para roon na permanenteng manirahan.

Ngayon na kasama na niya muli ang kanyang pamilya ay tila bumabawi si Philmar sa mga panahon na hindi niya nakasama ang mga ito. Simula nang pumunta si Philmar sa Maynila ay madalas na nagbo-bonding sila ni Lilo.

Credit: @ellieeigengirl Instagram

Isa nga sa mga bonding moment nila ni Lilo ay ang paggawa ng mga TikTok video.

Sa isang video na ibinahagi ni Philmar sa kanyang TikTok account, mapapanood siyang tinuturuan ang isang taong gulang na anak nila ni Andi paano gawin ang viral na TikTok dance move na ‘woah’.

Makikita sa video ang napaka-cute na si Lilo habang ginagaya ang ‘woah’ dance move na ginagawa ni Philmar.

Credit: @ellieeigengirl Instagram

Halatang mahilig talaga si Lilo sa pagsasayaw dahil game na game ito na gayahin ang kanyang Papa Philmar. Nakakaaliw din ang paghagikhik ni Lilo habang todo sa pagsayaw sa kanyang sariling dance step.

Maging si Philmar ay aminado na mas magaling ang kanyang anak sa paggawa ng ‘woah’ dance move kaysa sa kanya.

Credit: @ellieeigengirl Instagram

Aniya sa caption ng TikTok video, “She did the woah better than me.”

Aliw na aliw naman ang mga netizen sa ka-cute-tan ni Lilo. Komento ng netizens:

“Ang cute can I borrow her”

Credit: @ellieeigengirl Instagram

“galing galing naman nang baby na yan”

“Hahahaha…future dancer”

“the baby did it better hehe”

“I can watch it all day! So cute!”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Samantala, viral agad ang maiksing TikTok video nina Philmar at Lilo. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 3 million ang views nito sa TikTok.