Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amélie, sobrang nag-enjoy sa bakasyon sa Paris!

Umabot hanggang Paris, France ang kakulitan ng anak ni Anne Curtis at Erwan Heusaff na si baby Dahlia Amélie!

Credit: @annecurtissmith Instagram

Parehong kilala sa industriya ng showbiz si Anne at Erwan dahil sa ipinapamalas nilang kahusayan sa napiling mga larangan kaya naman exposed din sa publiko ang kanilang baby na si Dahlia na punong-puno ng kasiyahan at walang katapusang kakulitan na talaga namang bentang-benta sa netizens.

Ipinanganak si Dahlia noong Marso sa taong 2020 sa Melbourne, Australia kung saan ay nanatili ang buong pamilya sa kasagsagan ng p@ndemya at Pebrero lamang ngayong taon nang napagdesisyunang umuwi dito sa Pilipinas. Marahil ay dahil sa threat na dulot ng viru$ kaya mas minabuti ng couple na manatili na lamang sa bansa kaya nang nagkaroon ng pagkakataon na mag-travel at makapagbakasyon, talagang walang pinalampas si Anne at Erwan dahil kaagad silang lumipad papuntang Paris, France kasama si Dahlia.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagbakasyon abroad ang celebrity couple kasama si baby Dahlia kaya labis ang kasiyahang nararamdaman nila ngayon habang bumibisita sa iba’t-ibang magagandang lugar sa Paris.

Huwebes, November 25 nang ipinasilip ni Anne sa kanyang Instagram story ang iilang larawan ni Dahlia na kuha sa ginawa nilang trip sa isang wildlife museum.

“Duraffe!!” sulat ni Anne sa ibabang bahagi ng larawan ni Dahlia kung saan ay makikitang nakatingala at nakaturo ito sa isang statue ng giraffe.

Pinanggigilan din ng netizens ang ngiti ni Dahlia habang namamasyal sa City of Lights kung saan ay nag-enjoy siya sa iba’t-ibang French foods at tuwang-tuwa habang pinapakain ang pigeons.

Credit: @annecurtissmith Instagram

“Dahlia Amelie in Paris,” sabi ni Anne.

Samantala, sinakop din ng mga larawan ni Dahlia ang Instagram story ni Erwan. Isa sa larawang kinagiliwan ng kanilang fans ay ang larawan ni Dahlia na makikitang nakasuot ng makapal na coat.

Sa pinakabagong post naman ni Anne sa kanyang Instagram account, makikita ang maikli at slow-mo na video nila ng anak na parehong nag-eenjoy sa snow.

Credit: @annecurtissmith Instagram

“Her first snow fall ❄️,” sulat ni Anne sa kanyang caption.

Hindi lamang fans at followers ng couple ang nakaramdam ng panggigigil kay Dahlia dahil pati kapwa celebrities ng kanyang mga magulang katulad nina Isabelle Daza, Bea Alonzo, at iba pa ay hindi na rin nakapagpigil sa kanilang nararamdaman.

Ito ang first trip ni Erwan at Anne sa ibang bansa na kasama ang kanilang anak kaya naman sobrang espesyal ito para sa couple na talagang hinding-hindi nila malilimutan lalo na’t makikita naman sa mukha ni Dahlia ang kasiyahang nararamdaman na siya namang tanging hiling ng kanyang mga magulang.