Anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, kinagiliwan dahil sa kanyang cute reaction habang kinakantahan ni Billy

Isa sa mga kinagigiliwang celebrity baby ngayon sa social media ang adorable son nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari Jaden.

Credit: @coleen Instagram

Kamakailan ay muling naghatid ng ngiti si Baby Amari at pinanggigilan ng maraming netizens dahil sa cute video na inupload ni Coleen sa Instagram kung saan makikita itong tuwang-tuwa habang kinakantahan ng kanyang Daddy Billy ng “Don’t Worry Be Happy” song ni American musician Bobby McFerrin. Paborito umano ni Baby Amari ang nasabing kanta.

Credit: @coleen Instagram

Sa caption ng IG video ay sinabi ni Coleen na nagpapasaya talaga kay Baby Amari ang nasabing kanta.
Ani Coleen, “His happy song”

Sa video, makikita si Baby Amari na kalong ni Billy. Kitang-kita sa reaksyon ni Baby Amari na tuwang-tuwa ito habang naririnig na kumakanta ang kanyang daddy Billy.

Credit: @coleen Instagram

Mapapangiti ka naman sa ka-cute-tan ni Baby Amari habang gumagawa ng mga baby sound.

Sa isang bahagi ng video clip, mapapanood ang pagbukas ng bibig ni Baby Amari na tila sumasabay sa pagkanta ng kanyang Daddy Billy.

Sa background ay maririnig naman si Coleen na nagsabi ng matamis na “I love you” sa anak nila ni Billy.

Credit: @coleen Instagram

Kapansin-pansin ang lambing at saya sa boses ni Coleen habang pinapanood at kinukunan ng video ang sweet bonding moment ng kanyang mag-ama.

Halos magta-tatlong buwang gulang pa lamang si Baby Amari at makikita ang malusog na malusog nitong pangangatawan dahil na rin siguro sa saktong nutrisyon na kanyang nakukuha mula sa gatas ng kanyang Mommy Coleen.

Kapag nakita mo ang kanyang chubby cheeks ay talaga namang manggigigil ka sa ka-cute-tan ni Baby Amari.

Ngayon na unti-unti nang lumalaki si Baby Amari, litaw na litaw na rin ang pagkakahawig niya sa kanyang Mommy Coleen.

Credit: @coleen Instagram

Mukhang namana naman ni Baby Amari ang pagkahilig ng kanyang ama sa musika base na rin sa masaya niyang reaksyon sa pagkanta nito ng “Don’t Worry Be Happy”.

Samantala, bukod sa cute reaction ni Baby Amari ay kinaaliwan din ng mga netizen ang alagang aso nina Coleen at Billy na si Tamomo.

Mapapansin kasi sa video na tila nagseselos si Tamomo habang pinapanood sina Billy at Amari.
Kwento naman ni Coleen, mukha lamang umanong nagseselos si Tamomo kay Baby Amari ngunit ang totoo umano ay palaging binabantayan ng aso ang kanilang anak.

Credit: @coleen Instagram

Saad pa ni Coleen, “It looks like she is [jealous], but she’s just always guarding the baby. We’re all in the living room now and she’s naka bantay outside the baby’s room while he’s asleep.”

Sa panahong isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa mahigit 800K ang views ng video nina Baby Amari at Billy.

Isinilang ni Coleen si Baby Amari noong September 10 sa pamamagitan ng water birth.