Anak nina Janella Salvador at Markus Paterson na si baby Jude Trevor, nagdiwang ng kanyang unang kaarawan

Talagang gagawin ng mga magulang ang lahat upang mabigyan ng masayang kaarawan ang anak upang ipaabot ang pasasalamat nila sa pagdating nito sa kanilang buhay.

Credit: @superjanella Instagram

Parehong kilala sa industriya ng showbiz, hindi kailanman binigo nina Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang fans. Mula sa pag-anunsyo nila sa kanilang romantikong relasyon hanggang sa pagpapakilala sa kanilang baby na si Jude Trevor, grabe ang suporta at pagmamahal na ibinibigay ng kanilang fans sa kanila.

Matatandaan nitong Enero nang opisyal na ipinakilala ng couple ang kanilang anak sa publiko kaya hindi napigilan ng netizens ang magulat sa mabilis na paglipas ng panahon dahil ngayon ay isang taong gulang na si baby Jude Trevor!

Credit: @superjanella Instagram

Miyerkules, October 20, 2021 nang ipinagdiwang nina Janella at Markus ang kaarawan ng kanilang baby boy kung saan ay nagkaroon sila ng temang “Baby Boss,” ang sikat na palabas para sa mga bata.

“The boss baby is 1,” sulat ni Janella sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan ni baby Jude Trevor kuha sa ginawa nilang photoshoot.

Credit: @superjanella Instagram

Namana ang good looks ng mga magulang, talagang kapansin-pansin ang kagwapuhang taglay ni baby Jude sa napakamurang edad.

Walang katumbas ang nararamdamang kasiyahan sa pagtungtong ng kanilang anak sa unang kaarawan nito, nagbahagi ng maikling video si Markus sa Instagram kung saan ay mapapanood ang mga larawan at clips ni baby Jude Trevor noong maliit pa lamang ito hanggang sa maging toddler.

“Jude at 1,” pahayag ni Markus sa unang bahagi ng kanyang caption.

Dagdag pa niya, “Blows my mind that this year has gone by so quick, what a journey it’s been not just for us but the whole world. Happy birthday my son, my boy, my pride and joy.”

Credit: @superjanella Instagram

Nagpaabot naman ng pagbati ang kanilang fans, kapwa celebrities, at iilang kaibigan sa showbiz.

“Happy birthday Jude! ❤️” pagbati ni Alex Gonzaga.

“Such a cute boss for Jude I’ll do anything,” komento naman ni Dra. Vicki Belo.

“OMG what a bossssss ❤️❤️❤️ love you JUDE !! Happy Birthday!! 🎉” sabi naman ni Alex Godinez.

Credit: @superjanella Instagram

“Happy birthday gwapoooo,” saad naman ni Michelle Vito.

Sa espesyal na araw ng anak, talagang iginugol nina Janella at Markus ang bawat oras na meron sila kasama ang anak sa kabila ng napakabusy nilang schedule.

Hindi lamang espesyal para kay Jude ang kanyang kaarawan dahil ang araw din na ito ang simula ng pagbabago sa buhay ng kanyang Mommy Janella at Daddy Markus kaya talagang todo ang paghahanda nila upang mabigyan ng magandang selebrasyon si baby Jude.