Ngayon, October 7, ay ang ika-sampung kaarawan ng nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Lucho.

Isang simple at masayang birthday celebration ang naganap sa bahay ng mga Agoncillo.
Sa kanyang Instagram account, ay nagbahagi si Judy Ann ng ilang larawan kuha mula sa birthday celebration ng kanyang anak.

Sa caption ng kanyang post, ay nagbigay ng isang sweet birthday message si Judy Ann para sa anak.
Inamin ni Judy Ann na masyadong mabilis ang paglaki ni Lucho at tila hindi niya namamalayan na 10 taong gulang na ito. Gayunman, kahit tumanda at lumaki man daw si Lucho ay mananatili raw ito bilang kanilang ‘buching’.

Aniya sa caption, “Oh my lovely, sweet, loving boy.. 10 already!!??? Why!!?? 😱 how!?? Ganun ganun lang!?? My love.. no matter how old you are or how big you get.. you will always be mommy and daddy’s buching..”

Nangako rin si Judy Ann sa anak na lagi nila itong gagabayan at susuportahan ni Ryan nasaan man ito o kung ano man ang gustong maging ni Lucho paglaki.
Ani Judy Ann, “wherever you are, whatever you want to be.. we will always be here to guide, support and cheer you.. rain or shine.. with or without v!rus.. we promise to be there for you.. “

Dagdag ni Judy Ann, “stay humble, sweet, kind hearted, patient and smart.. you’ll go a long way my love.. i love you with all my heart.. and all my life.. #buching”

Samantala, nagbahagi rin ng ilang larawan si Ryan sa kanyang Instagram ng pagsalubong nila sa kaarawan ni Lucho.

Simpleng “Ten!!!” ang naging caption ni Ryan sa kanyang post. Sa larawan, ay makikita si Lucho na masayang-masaya kasama si Judy Ann at kanyang mga kapatid na sina Yohan at Luna.
Nagpaabot din ng kanilang birthday greetings ang mga kasamahan ni Judy Ann sa industriya.
Ani Pia Guanio, “miss this not-so-little-boy! Happy birthday, Luch!!![balloon emoji]”

Saad naman ni Marian Rivera, “Happy Birthday [heart eyes emoji]”
Komento ni Bianca Gonzalez-Intal, “Happy Birthday Lucho!!!!! [heart emojis]

Si Judy Ann at Ryan Agoncillo ay ikinasal noong 2009. Meron sila ngayong tatlong anak na sila Yohan, Lucho, at Luna.