Anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali, ipinamalas ang kanyang mala-anghel na boses!

Sa napakamurang edad, pinatunayan na ni baby Tali ang kanyang potensyal sa larangan ng pagkanta.

Credit:ย @pauleenlunasotto Instagram

Sa wagas na pagmamahalan nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, nabiyayaan sila ng anak noong taong 2017. Kasalukuyan ngayong 3 taong gulang, ipinapamalas na ni baby Talitha Maria Luna Sotto o mas kilala sa palayaw nitong Tali ang kanyang talento pagdating sa pagkanta.

Credit:ย @pauleenlunasotto Instagram

Simula nang ipinakilala ng kanyang Mommy Pauleen sa publiko ang anak, marami ng netizens ang hindi maka-get over sa kakyutan ni baby Tali. Namana ang pagiging bibo at masiyahin ng kanyang ama na si Bossing Vic, palagi rin na naghahatid ng good vibes su baby Tali.

Bagama’t tatlong taong gulang pa lamang, ipinapamalas na ni baby Tali ang mga potensyal niya at isa na nga sa mga ito ay ang kahusayan niya sa pag-awit.

Credit:ย @pauleenlunasotto Instagram

Sabado, September 25 nang muling nagbahagi ang kanyang proud Mommy Pauleen ng maikling video sa Instagram kung saan ay matutunghayan ang mala-anghel na boses ni baby Tali habang kumakanta ng “Glory to God”.

“Blessed weekend to everyone! Don’t forget to hear mass ๐Ÿ™๐Ÿผ,” pahayag ni Pauleen sa kanyang caption.

Namana ang talento sa ama na noo’y miyembro ng bandang VST & Co., parang hinihele ni baby Tali ang mga taong nakarinig.

Credit:ย @pauleenlunasotto Instagram

Hindi rin nakalagpas sa pansin ng netizens ang malinaw na pagkakabigkas ni baby Tali sa bawat salita ng lyrics ng kanta. Marami rin ang humanga sa tamang tono ng pagkanta ni baby Tali na bibihira lamang para sa isang 3 taong gulang na bata.

Sa ipinamalas na talento ni baby Tali sa pagkanta, inulan ng papuri at positibong mga komento ang mismong post ng kanyang Mommy Pauleen galing sa kapwa celebrities at fans.

“I laaaaab tali ๐Ÿ˜ญ,” pahayag ni MJ Lastimosa sa kanyang damdamin.
“Ay gigil ๐Ÿ‘ good job adorable Tali ๐Ÿ’,” sabi ni Jackie Forster.

Credit:ย @pauleenlunasotto Instagram

“So adorable ๐Ÿ˜Š @pauleenlunasotto,” ayon naman kay Billy Crawford.

Proud din ang Ate ni baby Tali na si Danica Sotto-Pingris at nagkomento ng, “๐Ÿ‘โค๏ธ miss you”.

Maliban sa mala-angel na boses, hindi rin nakalagpas sa atensyon ng netizens ang kagandahan ni baby Tali.

Credit:ย @pauleenlunasotto Instagram

“Habang lumalaki si Tali mas lalong nagiging pretty๐Ÿ˜๐Ÿ˜”

“Waaah naggng kahawig mo na mis pauleen hehe”

“Cutie Tali๐Ÿ˜โค๏ธ”

Credit:ย @pauleenlunasotto Instagram

Sa ibinahaging video na ito ni Pauleen, maraming netizens ang naka-appreciate sa ginawang ito ni baby Tali. Sa simple niyang pagkanta sa awitin ng Panginoon, naghatid umano siya ng “good vibes” sa gitna ng krisis na dinaranas ng ating bansa ngayon.