Anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, hinangaan ng mga netizen dahil sa angking talento nito sa musika

Isang malusog at matalinong bata si Talitha Maria Luna Sotto na mas kilala sa pangalang Tali. Siya ang unica hija ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Kinagigiliwan ng mga netizen ang mga larawan at videos nito na madalas na ibinabahagi ni Pauleen sa social media. Sa Instagram account ng aktres makikita ang video ni Tali na kinakanta ang awiting “Here comes the sun” ng bandang Beatles.

“Easter Bunny. Been listening to Beatles music lately and so far, she’s loving Here Comes The Sun and Love Me Do,” ito ang naging caption ni Pauleen sa nasabing Instagram post.

Makikitang kabisado ni Tali ang naturang awitin at bahagya siyang sinasabayan ni Pauleen sa pag-awit. Tunay na nakakahanga ang talino at talento ng munting bata na mahusay na nakabisado ang awitin. Hindi naman nakakapagtakang mahusay itong umawit katulad sa amang si Vic na dating myembro ng bandang VST.

Isang video pa ang ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram kung saan siya naman ang kumakanta ng nasabing awitin at si Tali naman ay pumapalo sa kanyang laruang drum set.

“Our family is super into music that’s why moments like this are special for us. Happy that our daughter is musically inclined as well,” ani Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Kung si Ate Reg na idol ko ay Asia’s Songbird, ako naman ay Asia’s Songbook,” pabirong dagdag pa ni Pauleen.

Lubos na pinapahalagahan ni Pauleen ang ganitong pagkakataon na nagba-bonding silang pamilya lalo na at silang buong pamilya ay mahilig sa musika.

Pinasalamatan naman ni Pauleen ang asawa sa suporta nito sa pagkuha ng nasabing video.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Thank you daddy for capturing this moment and also to @dracen_ dana_toy_station for the drumset ( that our whole fam obviously enjoyed),” dagdag pa ni Pauleen sa caption sa video.

Natuwa ang mga netizen maging ang mga kapwa artista sa ipinakitang husay ni Tali na kahit maliit pa lamang ay kinakitaan na ng potensyal sa pagtugtog. Kaya naman ipinabatid nila ang paghanga at nag-iwan ng komento sa nasabing Instagram post.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“WAAAAH! Tali baby! Every hit is right on the beat! Good job Tali,” saad ng isang netizen.

“She knows the rhythm na. Nice baby girl,” sinabi ng isang netizen na humanga din sa angking talento ni Tali.