Andi Eigenmann, aminadong related ang kanyang struggles at realizations sa surfing at sa kanyang buhay mismo!

Kung tatanungin tayo kung anong bagay o gawain ang maaari nating maipaghalintulad sa sitwasyon o daloy ng ating buhay, marahil ay karamihan sa atin ay mapapasagot nang naaayon sa expectations ng ibang mga tao pero kalaunan ay nadidiskubre natin ang ating totoong sarili at kung anong klaseng buhay ang gusto nating tahakin katulad na lamang ni Andi Eigenmann na aminadong sa wakas ay nahanap na ang tunay niyang kaligayahan at ito ay ang pagkakaroon ng simpleng buhay habang ginagawa ang mga bagay na labis niyang ikinasasaya.

Credit: @andieigengirl Instagram

Galing sa isang prestihiyosong pamilya ng mga artista si Andi Eigenmann at isa rin siya sa mga aktres sa kanyang generation na may maliwanag na future sa showbiz ngunit sa maraming taon na pananatili niya sa spotlight, tila’y napagtanto niyang mas may isasaya pa pala siya at nahanap nga niya nang naranasan niya ang kakaibang level ng relief na hatid ng buhay sa probinsya.

Isang professional na surfer ang fiance ni Andi na si Philmar Alipayo kaya natural lamang para sa kanilang pamilya na ma-exposed din sa nasabing sport. Kung noon ay ang kanilang mga chikiting lamang ang sumusubok nito, ngayon naman ay sumasabak na rin ang aktres. Sa katunayan, kasali siya ngayon sa isang tournament sa Siargao kung saan ay qualified siya sa susunod na round kaya habang naghahanda sa nalalapit na competition, todo ngayon sa pagte-training si Andi.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa reel na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account nito lamang, mapapanood ang improvement ni Andi habang sumasabay sa malalaking alon.

Bilang isang baguhan sa larangan ng surfing, dumaan talaga ng matinding struggles si Andi pero kalakip naman nito ay ang sandamakmak niyang realizations na ipinaghalintulad niya sa klase ng buhay na meron siya ngayon.

Credit: @andieigengirl Instagram

“Safe to say I am now legit living the life I’ve always dreamed of. Just as the lyrics of this song say, no, I am not talking about that ~aesthetic~ island life you see in my instagram. It’s all of it, imperfections, struggles and all. Just like in my surfing, Im proud to say Ive come a long way,” pahayag ni Andi.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa edad na 32, alam naman ng aktres na marami pa siyang matututunan sa buhay kaya open umano siya sa bagong experiences upang magkaroon ng improvement sa surfing at sa kanyang buhay mismo at ang kanyang way para mas mapabuti pa ang sarili ay “doing it all with a smile,” isang positibong approach para sa lahat ng realizations at challenges na maaari niyang kaharapin sa future.