Andi Eigenmann at fiancé na si Philmar Alipayo, pinakilig ang netizens nang nagkaroon ng “surfing” lesson

Sa wakas ay nagkaroon na rin ng time si Andi Eigenmann at ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo nang sila dalawa lamang!

Credit: @andieigengirl Instagram

Minsan, nakakalimutan natin ang sarili. Minsan nating nakakalimutang bigyan ng oras ang ating partner. Bagama’t abala na man sa responsibilidad bilang mga magulang ay importante pa rin na magkaroon ng “couple time”.

Credit: @andieigengirl Instagram

Kilala ng karamihan si Andi bilang isang sikat na personalidad sa showbiz. Kahit matagal namang hindi nasisilayan sa telebisyon ay patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng kanyang fans.

Kasalukuyang namamalagi sa isla ng Siargao kasama ang partner na si Philmar, isang professional na surfer, talagang sinusulit ng dalawa ang bawat araw kasama ang kanilang mga anak.

Biyernes, September 10 nang ibinahagi ni Philmar sa social media na tinuturuan niya si Andi sa pagsu-surf. Matapos ang pagpapakitang-gilas ni Ellie at Lilo sa pagsu-surf noong mga nagdaang buwan ay naisip ni Philmar na panahon na rin para matuto ang fiance kung paano mag-surf.

Credit: @chepoxz Instagram

Makikita sa Instagram account ni Philmar ang ibinahagi niyang mga larawan na kuha sa ginawa nilang “surfing lesson”. Sa unang larawan ay makikitang dala ni Andi ang kulay puti at malaking surfboard. Sa ikalawang larawan naman ay labis na nakaramdam ng kilig ang netizens nang nakita kung gaano ka-sweet sina Andi at Philmar.

Ayon kay Philmar, matagal na umano niyang gustong turuan mag-surf si Andi upang mas ma-improve pa nito ang sarili.

Credit: @chepoxz Instagram

“Always been wanting to bring her for a surf like this! Took her a lil surf today and give all i can to make her improve errrday like always,” pahayag ni Philmar sa kanyang caption.

Dagdag pa niya, ” Love you long time my love ♥️♥️♥️ @andieigengirl”

Aminado naman si Andi na kinilig siya sa maikling mensahe ng fiancé at sinabing excited na siya sa susunod nilang lesson.

“AWWW SWEET!!! salamat mahal ko! Cant wait for next chance to surf w you!” komento ni Andi sa mismong post ni Philmar.

Credit: @chepoxz Instagram

Hindi rin nagpahuli si Andi at ibinahagi sa kanyang Instagram account ang sweet nilang larawan ni Philmar kalakip ng isang mensahe na pumukaw sa damdamin ng mga katulad niyang Mommy.

“Not used to doing activities without the kids anymore, but I keep forgetting that moms need and deserve some “me time” too!” sulat ni Andi sa kanyang caption.

Indeed, kailangan din ni Mommy Andi magkaroon ng break. Sa kanyang break ay pinili niyang magkaroon sila ng sariling time ni Philmar na talagang naghatid ng kilig sa kanilang fans. Talagang ginampanan ni Andi at Philmar ang pagiging sweet sa isa’t-isa!