Ikakasal na ang aktres na si Andi Eigenmann sa kanyang non-showbiz boyfriend na si professional surfer Philmar Alipayo. Nangyari ang pagpo-propose ni Philmar kay Andi habang nagbabakasyon silang magpamilya sa Anilao, Batangas.

Sa part 2 ng kanilang Happy Island Family Getaway vlog, mapapanood ang raw footage ng simple ngunit napaka-sweet na wedding proposal ni Philmar kay Andi na nangyari sa balcony ng tinutuluyan nilang hotel sa Batangas.
View this post on Instagram
“This actually happened on our 3rd day, but we want to save the best for last…,” sulat ni Andi sa wedding proposal video ni Philmar.

Ayon kay Andi, bago mag-propose si Philmar ay nagkwento muna umano ito tungkol sa buhay nila bilang magkasintahan at sa kanilang pamilya.
Ikwenento rin ni Andi na hindi niya maiwasang kiligin habang nagpapahayag ng kanyang damdamin si Philmar lalo na’t hindi umano ito madalas magpahayag ng kanyang damdamin sa pamamagitan ng mga salita. Hanggang sa hiningi na nga ni Philmar ang kamay ni Andi.
Sa video, maririnig na tinatanong ni Philmar si Andi kung payag ba itong pakasalan siya.
Emosyonal din si Philmar habang taos-pusong inihahayag ang kanyang kagustuhan na makasama si Andi “for the rest of his life”.
Isang malaking “Yes” naman ang naging sagot ni Andi sa tanong ni Philmar.
Naiyak si Andi sa labis na kasiyahan habang isinusuot ni Philmar sa kanyang daliri ang isang aqua-colored engagement ring.

Sa kanyang Instagram, nagpost din si Andi ng larawan ng magkahawak na kamay nila ni Philmar. Sa pagkakataong ito ay suot na ni Andi ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Philmar.

Sulat ni Andi sa caption ng kanyang post, “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen.”

Dagdag ni Andi, “And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!”

Sa kasalukuyan ay buntis si Andi sa ikalawang anak nila ni Philmar. Ang kanilang panganay na anak na si Lilo ay mahigit isang taong gulang na habang ang anak naman ni Andi sa kanyang dating boyfriend na si Jake Ejercito na si Ellie ay siyam na taong gulang na.

Sa susunod na taon inaasahang ipapanganak ni Andi ang kanyang ikatlong anak na isang lalaki.