Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, naghahanda na sa pagbubukas na kanilang business sa Siargao

Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ngayon ng couple na si Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa isla ng Siargao? Maliban sa kanilang trips at adventures kasama ang kanilang mga chikiting, masaya at excited na ibinahagi ng couple kumakailan lamang ang baon nilang magandang balita.

Credit: Happy Islanders YouTube

Kilala ang pamilya ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa pagiging adventurous. Nasa beach o bukid man, hindi kailanman naging boring ang kanilang activities dahilan kung bakit marami sa netizens ang nag-aabang at nagsusubaybay sa kanilang vlogs.

Sa pinakabagong vlog na ibinahagi ni Andi sa kanilang Youtube channel na Happy Islanders, masayang ipinaalam ng couple na kasalukuyan sila ngayong naghahanda para sa magiging surf school at snack bar sa Siargao.

Habang nasa beach at nag-eenjoy kasama ang mga anak, abala naman si Philmar sa pag-aasikaso at pagtulong sa mga kasamahan niyang nagtatayo sa magiging surf school at shop na ayon kay Andi ay pinagkakaabalahan nila sa nakaraang dalawang linggo.

Credit: Happy Islanders YouTube

Ayon kay Andi, “We are spending the morning here while waiting for Papa who’s busy there working because he’s been dreaming of putting up a surf school and a surf shop and ngayon, nag-partner up na siya with Mang Carding of Kanaway Surf School so they are going to reopen Kanaway together this time, and preparing the shop in time for you, guys! This summer!”

At dahil for sure, marami ang bibisita at magbabakasyon sa Siargao ngayong Semana Santa, plano ni Andi at Philmar na mabuksan na ang surf school at surf shop para ma-cater ang mga taong nais matuto o mag-enjoy ng surfing.

Credit: Happy Islanders YouTube

“So by Holy Week, you can book your surf lessons and surf guiding. May packages ‘yan,” sabi ni Andi.

At dahil magbubukas na sila ng sariling surf school, marami rin ang mga nabigyan ng trabaho katulad na lamang ng surf instructors na nawalan ng hanapbuhay simula nang nag-p@ndemic.

“It’ll be obviously such great help to the surf instructors here kasi ang source of livelihood ng karamihan dito ay tourism,” saad ni Andi.

Bukod sa surf school at surf shop, magtatayo rin ang couple ng snack bar na papangalanan umano nilang “Kanaway Snack Bar” para hindi na umano magpunta at maghanap pa ng malayo ang mga tourist kapag nagugutom o gustong magpalamig bago at matapos ang kanilang surfing activities.