Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, sobrang supportive sa bawat interes at endeavor ng kanilang mga chikiting

Isa na namang makabuluhang advice ang ibinahagi ng celebrity Mom na si Andi Eigenmann sa kapwa niya mga magulang tungkol sa pag-eexplore ng kanilang mga chikiting sa kanilang mga interes at hilig sa buhay.

Credit: @andieigengirl Instagram

Bagama’t nasa isla naman ng Siargao ngayon kasama ang kanyang munting pamilya at malayo sa buhay showbiz, updated pa rin ang netizens sa bawat kaganapan sa buhay ni Andi Eigenmann. Unlike noon, hindi na purong karangyaan ang buhay ngayon ng aktres dahil masaya at kuntento umano siya sa simpleng niyang pamumuhay kasama ang partner na si Philmar Alipayo at mga anak.

Nagmula at lumaki man sa karangyaan, labis naman ang appreciation ni Andi sa buhay nila ng kanyang pamilya sa Siargao kung saan ay imbes na pagsho-shopping sa mall, paglalaro ng iba’t-ibang games sa computer ay mas inclined ang kanyang mga chikiting na sina Lilo at Kiko sa pag-eexplore sa iba’t-ibang activities katulad na lamang ng swimming at pagsu-surfing.

Credit: @andieigengirl Instagram

Dahil sa impluwensya ni Philmar, nagpapakita na rin ng interes at hilig si Lilo at Koa sa pagsu-surfing. Sa katunayan, pinag-aaralan na ng mga ito ang pagbabalanse ng kanilang sarili sa surfboard sa napakamurang edad. Sa isang recent na post ni Andi sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang mga larawan at videos nito kung saan ay mapapanood itong maayos na nababalanse ang kanyang katawan at bigat sa nakalutang na surfboard sa tubig.

Isang taong gulang pa lamang si Koa pero masasabi na namana talaga niya ang talento at husay ng kanyang Daddy Philmar sa pagsu-surf lalo na’t sobrang easy-peasy lamang para sa kanya ang pag-angat sa sarili sa isang surfboard kahit na’y nasa ibabaw ito ng tubig.

Credit: @andieigengirl Instagram

Maliban kay Koa, marunong na rin ang kanyang nakatatandang kapatid na si Lilo sa basics ng pagsu-surfing dahilan kung bakit sobrang proud ngayon ng kanilang Mommy Andi.

Ayon sa aktres, mahalaga umano para sa kapwa niyang mga magulang na hayaan ang kanilang mga chikiting sa pag-eexplore sa kanilang hilig lalo na’t bawat araw ay lumalaki ang kanilang interes sa iba’t-ibang mga bagay. Of course, importante rin ang pagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak habang inaalam ng mga bata ang kanilang mga kakayahan.

Credit: @andieigengirl Instagram

“I find that a great way for little ones to learn a new skill, is simply by letting them have a go at it! Trust them as they explore their cabilities and support them as they push themselves to try,” pahayag ni Andi.

Maliban dito, malaki rin ang pasasalamat ni Andi dahil masaya at contented umano ang kanyang mga anak sa simpleng buhay.