Ang pagpapakasal ay isa sa pinakamalaking desisyon na gagawin ng mga magkasintahan kaya naman nararapat lamang nila itong paghandaan.
Credit: @andieigengirl Instagram
Naging pahirapan naman para sa mga nagbabalak magpakasal na isakatuparan ang kanilang kasal ngayon dahil na rin sa nararanasan natin p@ndemya. Maraming kailangan sundin na health at safety prot0col para lamang masigurado ng mga ikakasal na maging l!gtas ang lahat ng kanilang mga bisita.
Kaya naman maraming engaged couple ang minabuti munang ipagliban ang kanilang kasal hanggang sa bumuti na ang sitwasyon at wala nang banta ng v!rus.
Kabilang nga sa mga engaged couple na ipagpapaliban muna ang kanilang pag-iisang dibdib ay sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Credit: @andieigengirl Instagram
Sa isang vlog episode ng Happy Islander family ay ibinahagi ni Andi na hindi sila nagmamadali ni Philmar na magpakasal lalo na sa panahon ng p@ndemya.
Ayon kay Andi, gusto niyang makarating ang kanyang pamilya na nasa Maynila at iba pa nilang kaibigan ng l!gtas sa Siargao para sa kanilang kasal. Kaya naman ani Andi, hangga’t may p@ndemya pa ay wala muna sa kanilang prayoridad ang magpakasal.
Credit: @andieigengirl Instagram
Ani Andi, “Of course hindi kami nagamadali sa wedding kasi alam namin na with the p@ndemic and all, siyempre gusto ko makarating naman dito yung family ko and na maging safe na ang lahat as much as possible. Hindi kami nagfo-focus dun.”
Samantala, masaya namang ikwenento ni Andi na nahanap na nila ang ‘perfect spot’ kung saan nila itatayo ang kanilang ‘happy island dream house’.
Ngunit nilinaw ni Andi na sa hinaharap pa nila ito maipapakita sa kanilang mga tagahanga. Dagdag pa ni Andi, inuna muna nila ang kanilang ‘negosyo house’ kung saan sila kasalukuyang nakatirang magpamilya.
Credit: @andieigengirl Instagram
Sina Andi at Philmar ay mayroong dalawang anak na sina Lilo at Baby Koa. Noong December 2020 ay inanunsyo nila sa kanilang milyun-milyong tagahanga na engaged na sila.
Credit: @andieigengirl Instagram
Isang buwan naman ang makalipas ay winelcome nila ang kanilang napakagwapong ‘island boy’ na si Baby Koa.
Sa huling bahagi naman ng vlog ay ibinalita ni Andi na nakauwi na ang kanyang panganay na si Ellie sa Siargao matapos itong magbakasyon sa Maynila. Si Ellie ay ang anak ni Andi sa kanyang dating kasintahan na si Jake Ejercito.