Andi Eigenmann, ibinahagi ang mga natutunan niya sa kanilang mga anak nang masiraan sila ng sasakyan at mastranded

Isa sa mga hinahangaang couple sa social media ang mag-fiance na si Andi Eigemann at professional surfer na si Philmar Alipayo.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa nakaraang vlog na pinost ni Andi sa kanyang YouTube channel kung saan ay napag-usapan nilang mag-fiance kung paano nagsimula ang kanilang love story, marami ang humanga at sumubaybay sa kanila. Ibinahagi ng dalawa na noon pa ma’y palagi na silang nagco-comment sa post ng isa’t-isa sa Instagram at noong panahong bumisita ni Andi sa Siargao, mas nakilala raw nila ang isa’t-isa dahil sa mga pagkakataon na sila’y nagkasama.

Ngayo’y naninirahan sila Andi, Philmar at mga anak nila sa magandang isla ng Siargao. Naging mas malapit ang pamilya sa nature at nakahiligan ng mag-fiance at pati na rin ng mga anak nila ang mamasyal sa isla ng Siargao.

Credit: @andieigengirl Instagram

Kamakailan lang ay nasa kalagitnaan ng biyahe ang buong pamilya nila Andi nang masiraan ang kanilang sasakyan habang hindi pa man nakakarating sa kanilang destinasyon.

“Our car br0ke down in the middle of ‘nowhere’,” sulat ni Andi bilang caption sa kanyang Instagram account kung saan ay nagbahagi siya ng mga litrato habang naghihintay sila sa mag-aayos ng kanilang sasakyan.

Bukod sa nasiraan sila ng sasakyan at naantala ang kanilang biyahe patungo sa kanilang destinasyon ay hindi kailanman inisip ni Andi na nasira ang kanilang araw dahil sa problemang hindi nila inaasahan.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa halip ay natuwa pa nga siya nang nakita ang malalaking ngiti sa bibig ng mga anak nila ni Philmar at sinabing masaya siya sa nangyari.

Kahit na-stuck sa lugar kung saan ay walang signal, walang tubig, at pawisan dulot ng mainit na araw ay masaya umano sila ni Philmar nang nakitang hindi nagrereklamo ang kanilang mga anak at pinili pang mag-enjoy.

Sa kabila ng pagkaudlot ng kanilang biyahe ay na-realize ni Andi na may mga bagay sa buhay na hindi umaayon sa kanilang plano pero sa halip na malungkot ay pwede na lamang ito tanggapin at magpasalamat sa mga nangyayari.

Credit: @andieigengirl Instagram

“Sometimes things, life, just doesn’t go our way. It may be upsetting/ it may cause our heads to expl0de, but we can also accept it graciously and be grateful instead,” sabi ni Andi sa parehong post.

Ayon pa kay Andi, nagsilbi itong leksyon para sa kanya at sa fiancé niya na nais nilang ipamana sa mga anak. Ibinahagi niya na dumating man ang unos ng problema sa buhay ay dapat pa rin tayong manatiling positibo at imbes na maglugmok at magsisi ay huwag pa ring kalimutang magpasalamat.

Umani naman ng papuri ang post ng dating artista sa mga followers dahil sa makabuluhan nitong mensahe.

Credit: @andieigengirl Instagram

“It’s nice to stop and try to see the world through children’s eyes. And allow that to help us find joy in the simplest of things.”