Kinaaaliwan ngayon sa social media ang bunsong anak ni Andi Eigenmann na si Baby Lilo dahil sa galing nito sa pagpo-pose sa camera.

Nitong November 8 nga ay ibinida ni Andi sa kanyang Instagram kung paano siya natalo ni Baby Lilo sa paggawa ng mga pose. Ipinost ni Andi ang mga larawan kuha mula sa kanilang simpleng photo shoot.

Sa caption ay ikwenento ni Andi na naisipan umano niyang kunan ng larawan ang kanyang sarili para markahan ang pagpasok niya sa ikatlong trimester ng kanyang pagbubuntis.

Matatandaang si Andi ay buntis ngayon sa ikalawang anak nila ng kanyang partner na si professional surfer Philmar Alipayo.

Hindi naman inaasahan ni Andi na ang magiging pokus sa mga larawan ay ang nakakaaliw na mga pose ni Baby Lilo.

“Lilo and her many faces! every pose I can do, she’s got 5! 😂 this was supposed to be to take a photo to mark my (almost) 29th week in pregnancy, having just entered the 3rd trimester and all, (and feeling every bit of it! LOL) but the focus is obviously now on her,” kwento ni Andi sa caption ng kanyang post.

Nagmistulang isang professional model si Baby Lilo sa mga ginawa niyang pose kasama ang kanyang Mommy Andi.

Hindi maikakaila na may potensyal si Baby Lilo na maging artista o hindi naman kaya maging modelo.
Masasabing “effortless” si Baby Lilo sa pagpo-pose sa camera.

Kaya naman hindi talaga imposible na baka sumunod si Baby Lilo sa yapak ng kanyang Mommy Andi na kilala rin dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Sa mga letrato na ibinahagi ni Andi ay makikita ang iba’t ibang pose ni Baby Lilo.

Kung si Andi ay nakangiti lamang sa bawat letrato, si Baby Lilo naman ay may maraming ekspresyon na ginagawa. Sa unang larawan ay makikita si Baby Lilo na gumawa ng “shocked face”. Sa sumunod na larawan naman ay nakabungisngis ito.

Nakakagigil naman tignan si Baby Lilo sa kanyang “angry face” pose. Sa huling pose nga ay ipinakita ni Baby Lilo kung gaano siya ka-sweet sa kanyang Mommy Andi.

Para sa kanyang huling pose, ay hinalikan ni Baby Lilo sa pisngi ang kanyang Mommy Andi. Inanunsyo ni Andi ang kanyang pagbubuntis noong August 30 sa pamamagitan ng isang Instagram post.