Kung may dalawang perpektong salita man na makapaglalarawan sa “Happy Islanders,” ito ay “talented” at “athletic” dahil halos hakutin lang naman nila ang lahat ng sports!
Credit: @andieigengirl Instagram
Natural talaga para sa mga bata ang pagkakaroon ng matinding kuryosidad at mga interes kaya sobrang dami talaga ng mga bagay na gusto nilang gawin pero sa pangamba at takot ng kanilang mga magulang na mapahamak ang kanilang mga chikiting, priority talaga nila ang safety ng mga ito pero para sa celebrity momshie na si Andi Eigenmann, hangga’t maaari ay hindi niya pinipigilan ang mga anak sa pag-eexplore ng kanilang mga hilig at interes basta ba’t guaranteed ang kanilang safety.
January 2023 nang ibinahagi ni Andi sa publiko ang pagkatuto ng tatlong taong gulang na anak niyang si Lilo sa pagsu-surfing. Marahil ay nasa dugo na talaga nila ang kahusayan sa nasabing sport pero para sa napakamura niyang edad, naagaw talaga niya ang pansin ng karamihan dahil totoo naman kasing pambihira para sa mga batang kasing-edad niya na matuto na sa ganitong klaseng sport na madalas ay pang-grownup.
Credit: @andieigengirl Instagram
Makalipas ang tatlong buwan matapos maging pro sa surfing, muli na namang sumabak sa panibagong activity si Lilo at ito ay gymnastics!
Sa post na ibinahagi ni Andi sa Instagram nito lamang nakaraang Biyernes, mapapanood ang video clip ni Lilo sa kauna-unahan niyang session kung saan ay kaagad nitong ipinamalas ang kanyang husay at galing sa ginawang stunts katulad na lamang ng back roll, handstand, bridge, at aerial hoop.
“Lilo’s first day in Gymanastics class!” Sulat ni Andi sa kanyang caption.
Kahit na’y unang araw pa lamang ng klase, makikitaan na talaga ng potential si Lilo dahil kahit na’y mahirap ang stunt para sa mga batang tulad niya, effortless lang naman niya itong nagawa dahilan kung bakit laglag talaga ang panga ng netizens.
Credit: @andieigengirl Instagram
Hindi talaga mawawala ang pangamba na mararamdaman ng mg magulang sa tuwing sumasabak sa ganitong klaseng activities ang kanilang mga chikiting kaya karamihan talaga sa kanila ay sensitive at overprotective pero para kay Andi, ito ang nakikita niyang paraan upang malayang makapag-explore ang mga anak pati na rin sa pag-eenhance ng kanilang mga abilidad at pagdiskubre sa kanilang mga talento.
Kahit na’y malayo sa siyudad, malaki naman ang pasasalamat ni Andi na nagagawa ng kanyang mga chikiting na makapag-explore ng iba’t-ibang klaseng activities.
“Happy that they get to explore more of their abilities and interests with more classes and options available to these island kidos. 🌸,” saad ng celebrity momshie.
Credit: @andieigengirl Instagram
Malaki ang impact ng exploration sa iba’t-ibang activities at interests sa development ng mga bata dahil hindi lamang purong enjoyment ang maaari nilang makuha mula sa mga ito kundi ay lifelong na interes na mas makakapagbigay kabuluhan sa kanilang buhay balang araw plus guaranteed na ang pagiging fit at healthy nila dahil sa murang edad, exposed na sila sa ganitong klaseng exercises na nakakatulong sa pagpapatibay ng katawan.