Isinilang na ng aktres na si Andi Eigenmann ang ikalawang anak nila ni Philmar Alipayo. Ang masayang balita ay unang ibinahagi ng ina ni Andi na si veteran actress Jaclyn Jose sa isang Instagram post nitong January 18.

Sa kanyang Instagram post, binati ni Jaclyn si Andi para sa matagumpay na panganganak nito.
Ani Jaclyn, “Congratulations anak for having a succesful delivery to our newest member of the family.”
Isang malusog na lalaking sanggol ang isinilang ni Andi sa St. Luke’s Medical Center. Kasunod ng Instagram post ni Jaclyn ay ang pagpo-post naman ni Andi ng masayang larawan nila ni Philmar habang nasa 0spital.

Makikita sa litrato na kalong-kalong ni Andi ang panibagong miyembro ng kanilang “Happy Islanders” family.
View this post on Instagram
Inihayag naman ni Andi ang kanyang kasiyahan dahil muli ay napagtagumpayan nila ni Philmar ang kanilang pregnancy journey.
“We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side,” ani Andi sa caption.
Pinasalamatan din ni Andi ang kanyang partner dahil nasa tabi niya ito sa buong pregnancy journey niya.

Ani Andi, “Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!♥️”
Habang si Philmar naman, nagpahayag ng kanyang pasasalamat para kay Andi sa pagsilang nito sa kanilang anak.
“Thanks for bringing our boy to this world! I am very proud of you mahal ko ♥️ you are the strongest person i know 🙏🏽,” mensahe ni Philmar kay Andi.
Samantala, binati naman sina Andi at Philmar ng kanilang pamilya, mga kaibigan at mga tagahanga. Komento nila:
View this post on Instagram
“So happy for you and your beautiful family!!! Congratulations!!!!”
“Congratulations Andi and Philmar! Can’t wait to see you all”
“Congratulations Mama Andi and Papa Philmar! Another beautiful blessing indeed!”
“Wowww! Welcome to the world baby number 3”

Inanunsyo ni Andi ang kanyang pagbubuntis sa kanyang ika-3 anak August noong nakaraang taon.
Ang panganay na anak nina Andi at Philmar na si Lilo ay mahigit isang taong gulang na.
Habang ang unang anak naman ni Andi sa kanyang dating kasintahan na si Jake Ejercito na si Ellie ay siyam na taong gulang na.
Nakatakda naman ikasal ang celebrity couple matapos nilang inanunsyo December noong nakaraang taon ang kanilang engagement.