Andi Eigenmann, masaya at proud sa kanyang panganay na si Ellie dahil sa mga bagong bagay na natututunan nito

Kilala si Andi Eigenmann ng marami bilang isang hands-on at supportive na ina sa kanyang mga anak. Bilang isang magulang ay hindi naman mapigilan ni Andi na ipahayag kung gaano siya ka-proud na ang kanyang panganay na anak na si Ellie ay natututo ng maraming bagay.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa kasalukuyan, malayo muna si Andi kay Ellie dahil habang siya ay nasa Siargao, nagtungo naman ito sa ama nitong si Jake Ejercito sa Maynila upang magbakasyon.

Gayunpaman, updated pa rin si Andi sa mga kaganapan sa buhay ng kanyang panganay na anak. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram account ang isa na namang achievement ni Ellie at ito ay ang pagtugtog nito ng piano. Mapapanood sa video na ipinost ni Andi ang mahusay na pagtugtog ni Ellie ng “Somewhere in Time” gamit ang piano.

Credit: @andieigengirl Instagram

Ayon kay Andi, proud siya bilang isang magulang na makita ang kanyang mga anak na natututo ng iba’t ibang bagay. Ngunit maliban sa mga bagay na ipinapakilala niya sa kanyang mga anak, mas lalo umanong nagiging proud si Andi kung nakikita niya na ang kanyang sariling mga anak mismo ang nakakatuklas ng mga bagong bahay na gusto nilang gawin.

Credit: @andieigengirl Instagram

“It makes me proud as a parent, when I see my kids falling in love with various activities I introduce them to. But moreso when I see them discover new things and fall in love with them, on their own,” ani Andi sa caption ng kanyang post.

Dagdag pa ni Andi, isang panalo para sa kanya na kaya niyang ibigay ang buhay na mayroon ang kanyang mga anak ngayon. Bukod dito, sinabi rin ni Andi na ang talagang nakakapagpasaya sa kanya ay kapag nakikita niyang nagagawa ng kanyang mga anak ang mga bagay na tunay na nagpapaligaya sa kanila.

Credit: @andieigengirl Instagram

Ani Andi, “It’s a win for me to be able to give them this life, and see them happy living it. But the true win is them knowing for sure that there is no reason to be ashamed of getting out there, to be whoever they wish to be, and choose to live a life that makes them happy.”

Credit: @andieigengirl Instagram

At kahit anong landas man daw ang tatahakin ng kanyang mga anak o kung gaano sila kaiba sa kanya, ipinangako ni Andi na susuportahan niya at nandiyan siya para sa kanila anumang oras.

Aniya, “Regardless of how different that may be from mine, I will support them and they will always have me.”

Credit: @andieigengirl Instagram

Si Andi ay mayroon nang tatlong anak ngayon. Maliban kay Ellie, ay may dalawa pa siyang anak na sina Lilo at Baby Koa sa kanyang fiancé na si Philmar Alipayo.