Kamakailan lamang ay muling nakasama ni Andi Eigenmann at ng kanyang dalawang anak na sina Ellie at Lilo ang kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Dumating sa Maynila mula sa Siargao si Philmar matapos ang anim na buwan na pagkakahiwalay nila ni Andi. Habang si Andi kasi ay nasa Maynila si Philmar naman ay nasa isla ng Siargao para asikasuhin ang ipinapatayo nilang bahay doon.
Ngayon nga na kasama na nila si Philmar ay nagkaroon ng maraming panahon si Andi para maka-bonding ang kanyang panganay na anak na si Ellie. Si Ellie ay anak ni Andi sa kanyang dating kasintahan na si Jake Ejercito.

Sa reunion vlog na ibinahagi ni Andi sa kanilang “Happy Islanders” YouTube channel ay inamin niya na isa sa mga ‘advantage’ nang pag-uwi ni Philmar ay pagkakaroon niya ng oras para maka-bonding si Ellie katulad umano nang dati.

Ani Andi sa vlog, “Another advantage of Philmar coming here already while he bonds with Lilo and spends quality time with her…I get to hang out with Ellie like old times.”
View this post on Instagram
Isa nga sa mga naging bonding nila Andi at Ellie nitong mga nagdaang araw ay ang pagsi-swimming.

Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Andi ang ilang larawan ni Ellie habang masayang nagsi-swimmming. Sa mga underwater photo ni Ellie ay makikita ang kasiyahan sa kanyang mukha.
Ayon pa kay Andi, isa sa mga bonding moment nila ni Ellie ay ang pagtuturo niya sa anak na lumangoy. Aniya sa caption, “Our afternoons lately. Level 5 swim lessons with my (almost) 9 year old while papa and Lilo go for their afternoon siesta!”

Dagdag niya, “While they get to catch up on some father- daughter bonding, Ellie and I get to spend quality time as well, just like old times!”

Samantala, sa kanyang latest post sa Instagram ay ikwenento ni Andi ang hilig ng kanyang dalawang anak na maglaro sa labas.

Kwento ni Andi, “From that afternoon at the playground. Been heading down almost everyday since papa arrived. Same old playground but no worries, because it’s always a different sort of adventure for these kids every time. My girls are definitely born to be outdoors. My flower children.🌻”

Sa ngayon ay buntis si Andi sa kanyang ikatlong anak at ikalawang anak nila ni Philmar. Bukas naman, November 23, isi-celebrate nina Andi ang ika-9 na kaarawan ni Ellie.