Andi Eigenmann, masayang ibinahagi ang malaking progress sa kanyang pagpapapayat!

Nangunguna pagdating sa pagpo-promote ng body positivity ang dating aktres at ngayon ay full-time mom at vlogger na si Andi Eigenmann.

Credit: @andieigengirl Instagram

Talagang marami ang humahanga at na-iinspire kay Andi lalo na ang mga kapwa niya ina dahil sa kabila ng mga pagbabago na nangyari sa kanyang katawan matapos niyang manganak ay ipinapakita niyang proud at mahal niya ang kanyang katawan.

Pero kahit tanggap ni Andi ang kanyang katawan sinisigurado naman niyang hindi niya ito napapabayaan at nakakapag-ehersisyo pa rin siya.

Credit: @andieigengirl Instagram

Matapos ngang isilang ni Andi ang kanyang ikatlong anak na si Koa na pangalawang anak naman nila ng kanyang fiance na si surfing champion Philmar Alipayo ay sinimulan niya ang kanyang fitness journey.

Matatandaan na unang nagbigay ng update si Andi noong buwan ng March sa kanyang fitness journey kung saan ibinahagi niya ang ilang litrato ng kanyang post-pregnancy body. Kung noon ang timbang ni Andi ay umabot ng 75 kilos at ang kanyang waistline ay pumalo sa 39 inches, sa latest update naman niya ay makikitang malaki ang nabawas sa kanyang timbang.

Sa kanyang Instagram stories, masayang ibinahagi ni Andi sa lahat ang kanyang latest fitness progress report.

Credit: @andieigengirl Instagram

Matagal-tagal din na hindi nakapagbigay ng update si Andi tungkol sa kanyang fitness journey kaya naman excited niyang ibinahagi na as of November 5 ay 59 kilos na lamang ang kanyang timbang habang ang kanyang waistline ay lumiit hanggang 29 inches.

Halos 16 kilos nga ang nabawas sa timbang ni Andi mula noong huli niyang update. Kapansin-pansin din sa mga litratong ibinahagi ni Andi ang pagliit ng kanyang tiyan at mga braso.

Kwento naman ni Andi, ngayon lang siya nagkaoras na makapagbahagi ng ilang development sa kanyang fitness journey dahil aniya, naging abala siya sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

“First progress report in agessssss! Been busy w homeschool but now that we’ve picked up a good pace, can’t wait to work out again,” saad ni Andi.

Credit: @andieigengirl Instagram

Matatandaang isinilang ni Andi ang kanyang ikatlong anak na si baby Koa noong January 18. At sa kasalukuyan, masayang namumuhay si Andi kasama ang kanyang pamilya sa surfing capital ng Pilipinas na Siargao.