Andi Eigenmann, proud sa ipinakitang galing ng anak na si Ellie sa pagsusurfing!

Kasalukuyang naninirahan sa isla ng Siargao ang aktres na si Andi Eigenmann kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo at ang mga anak. Sa matagal na pamamalagi sa lugar ay mas nahumaling lamang si Andi sa island life sa kabila ng pagiging city girl buong buhay niya.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Ngunit sa ibinahaging video ng aktres sa kanyang social media ay makikitang hindi lamang si Andi ang napamahal sa Siargao kung hindi pati na rin si Ellie na tila ba’y nakahanap ng koneksyon sa kalikasan, lalo na sa dagat.

Credit: @andieigengirl Instagram

Ibinahagi ni Ellie Eigenmann ang dalawang maiikling video sa kanyang Instagram kung saan ay makikitang nakasakay siya sa isang surfboard at sinasabayan ang daloy ng alon. Kahit na 9 years old pa lamang siya ay talaga namang kahanga-hanga ang kanyang postura habang nagsu-surf.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Maayos niyang nababalanse ang bigat ng katawan at tila ba’y hindi man lang nahirapan sa ginagawa kahit matagal-tagal na humupa ang along sinasabayan.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Dahil sa pamamalagi sa isla ng Siargao kung saan ay mas napalapit si Ellie sa kalikasan at dahil na rin sa impluwensyang dulot ng fiancé ng kanyang Mommy Andi na si Philmar na kilalang professional surfer ay nakahiligan na rin ni Ellie ang pagsu-surf.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Sobrang proud naman si Andi sa anak kung kaya’t ibinahagi niya ang video ng panganay na si Ellie sa kanyang Instagram story.

“My girl, finally surfing again + loving every bit of it!” sulat ni Andi bilang caption.

Credit: @andieigengirl Instagram

Maraming netizen ang napabilib ni Ellie dahil sa ipinakitang galing nito sa pagsu-surfing sa kabila ng murang edad! Isa na nga sa napabilib niya ay ang kanyang Daddy na si Jake Ejercito.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Sa katunayan ay maituturing din na promising surfer ang kanyang kapatid na si Lilo na siyang anak ng kanyang Mommy Andi sa fiancé nito na si Philmar. Isang taong gulang pa lamang si baby Lilo pero maayos na siyang nakakatayo sa surfboard.