Mahalaga nga talaga ang ‘closure’ sa paghihiwalay ng dawalang magkasintahan. Kapag may ‘closure’ kasi ay maayos na maghihilom ang mga sugat na dala ng mga isyung pinagdaan ng dating magkarelasyon.

Mukhang ito rin ang gustong makuha ng aktor na si Albie Casiño mula sa dating kasintahan na si Andi Eigenmann.
Matatandaang taong 2011 ay nasangkot sina Albie at Andi sa isang ‘paternal issue’ kung saan ay inamin ni Andi na si Albie ang ama ng kanyang anak na si Adianna Gabrielle o mas kilala sa palayaw nitong Ellie.

Dahil sa naging pag-amin na ito ni Andi ay nag-request ang kampo ni Albie ng isang DNA test para malaman kung nagsasabi ba noon ng totoo si Andi.

2016 nang napatunayan nina Albie na hindi siya ang ama ni Ellie kung hindi ang dating boyfriend din noon ni Andi na apo ni dating pangulong Joseph “Erap” Estrada na si Jake Ejercito.

At kamakailan nga ay muling nabuhay na naman ang isyu ng dalawa dahil sa Tweet ng isang netizen kasabay ng artikulong inilathala ng ABS-CBN tungkol sa pagdadalang tao ni Andi sa pangalawang anak sa partner nitong si Philmar Alipayo na isang professional surfer na naka-base sa Siargao.
Sa screenshot na ibinahagi ng Kapamilya Online World Facebook page, ay makikita ang retweeted post ng netizen na laman ang tanong nito kung humingi na ba ng tawad si Andi sa dating nobyo.
Tweet ng naturang netizen, “nagsorry ka na ba kay albie? charot”
Mas nakaagaw pa ng atensyon ang Tweet na ito ng netizen nang sinagot mismo ito ni Albie sa pamamagitan ng isang Instagram story.

Sagot ni Albie, “Hindi pa”. Bukod sa sagot niyang ito ay sinamahan pa ni Albie ang sagot ng mga ‘crying emojis’.

Nagbigay naman ng pahayag si Andi tungkol sa isyu na ito at sinabing nakahingi na siya ng tawad noon kay Albie.
“Not that I owe you any sort of explanation, but since you’re the only one that has tagged me in this, I actually already have. (You can ask him that too,)”

“You and the rest of the public are not aware, because I never owed you that apology. I owed that to him. You see, it’s one thing not to have given forgiveness. That’s something I can’t control. But it’s also another thing to say otherwise.”

“I think the fact that I’ve been blessed to have such a wonderful life after everything is enough proof that I’ve grown to become far different from the person I once was.”