Andi Eigenmann, umapela sa lahat na respetuhin ang kanyang “privacy” kasunod ng isyu ng kanyang pagtanggi na magpakuha ng litrato sa ilang turista sa Siargao

Kamakailan lamang, nag-viral si Andi Eigenmann hindi dahil sa kanyang simple at masayang pamumuhay sa Siargao ngunit dahil sa isang isyu na ibinahagi ng isang Facebook user kung saan tinalakay nito ang pagtanggi niya na makipag-selfie sa mga turista.

Credit: @andieigengirl Instagram

Laman ng nasabing Facebook post, ang naging karanasan ng Facebook user nang sinubukan nilang makipag-selfie kay Andi habang nasa Siargao.

Ayon sa nasabing Facebook user, dalawang beses nilang sinubukan na magpakuha ng litrato kasama si Andi ngunit tinanggihan umano sila nito.

Mabilis naman na nakaabot kay Andi ang isyu at sa isang serye ng Instagram stories ay ipinaliwanag niya ang kanyang panig.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa kanyang tugon, sinabi ni Andi na sana ay maunawaan ng tao na hindi na siya isang artista at kailangan niya ng “privacy” sa isla.

Sinabi rin ni Andi na masaya siya dahil nakakakuha ng inspirasyon ang mga tao mula sa kanilang buhay sa Siargao. Na-aappreciate rin umano niya ang suporta at pagtangkilik ng mga tao sa kanilang YouTube videos.

Credit: @andieigengirl Instagram

Gayunpaman, umapela si Andi sa pag-unawa ng mga ito at sinabing siya ay isang tao lamang at may mga responsibilidad sa buhay. May mga oras daw talaga na hindi niya mapagbigyan ang kahilingan ng mga ito lalo na kapag may importante siyang gagawin o inaasikaso niya ang kanyang mga anak.

Ani Andi, “I find it amazing that there are a lot of you that think that our life out here is something to admire or something to achieve, ‘di ba, for yourself. But of course, I also hope that you would understand that I’m human also and there are a lot of reasons why I move here to the island. And one of that is, the peace and the simplicity and being able to enjoy this paradise for what it is.”

Credit: @andieigengirl Instagram

Dagdag ni Andi, “Parang ang daya naman if sabihin niyo sa akin na ‘Kung ayaw mo magpa-picture, ‘wag ka lumabas.’ ‘Di ba, paano ako ‘di lalabas? We would say when we can but may mga times na hindi talaga namin kaya…Like when we’re out, yun lang, we do, I do try my best to say yes when I can. Of course, when I’m attending to my kids I really won’t or kung nagmamadali ‘di ba?”

Sa huli, tinalakay ni Andi ang isyu ng mga turista na pumapasok lamang sa kanilang tahanan at hiling niya na respetuhin ng mga ito ang kanilang “privacy”.

Credit: @andieigengirl Instagram

Ani Andi, “But then in our home, I really, really hope that you guys would respect our privacy and realize that we’re also humans and when we’re home, we need also to feel that we’re safe and that it is a place that we can just enjoy being with each other in private, with our family.”