Andi Manzano, niregaluhan ng bagong sasakyang ang kanyang mga magulang

Kung wala nang iba pang ikakasaya ang mga magulang kapag nakita ang kanilang mga anak na masaya at healthy, wala na ring mas isasaya pa ang isang anak kapag nakita ang mga ngiti ng kanilang mga magulang kapag nasuklian ang lahat ng kanilang paghihirap.

Credit: Andi Manzano YouTube

Dating VJ sa MTV Channel si Andi Manzano at mula noon hanggang ngayon ay isang sikat na influencer. Bagama’t may sarili namang pamilya ngayon, nananatili pa rin ang kabutihan ni Andi bilang isang anak sa kanyang parents na walang ibang hiling kung hindi ay mapasaya sila.

Sa kagustuhang mapasaya ang kanyang mga magulang, sinurpresa ni Andi ang kanyang parents ng super bonggang regalo na mapapanood naman sa ibinahagi niyang vlog sa kanyang YouTube channel.

Ayon kay Andi, ilang taon na rin umanong nagtitiis ang kanyang mga magulang sa dati nilang sasakyan kaya naman talagang nag-ipon siya kasama ang kanyang asawa na si GP Reyes upang mabilhan sila ng bagong car.

Credit: Andi Manzano YouTube

“We’ve been planning it for the past 3 years and you know, every time GP brings up, I just let it pass because I feel like I don’t want to expect before but it’s actually there,” excited na pahayag ni Andi.

Pagkukuwento pa niya, “My parents live all the way in Antipolo, and their car is a little old and no longer dependable. In 2019, my husband and I started saving up to get them a brand new car!”

Nang nakapag-ipon na, kaagad na bumili si Andi ng bago at kulay gray na Geely Okavango kung saan ay hindi niya napigilan ang sarili na maging emosyonal dahil sa wakas ay hindi na umano kinakailangan ng kanyang parents na magtiis sa dati nilang sasakyan.

Credit: Andi Manzano YouTube

“It really was such an emotional and happy day for our family,” naluluhang saad ni Andi.

Nakaukit naman sa mukha ng mga magulang ni Andi ang kasiyahan nang nasilayan ang surpresang sasakyan ng anak para sa kanila.

Credit: Andi Manzano YouTube

Maliban sa kasiyahang nararamdaman ni Andi nang nakita ang magandang reaksyon ng kanyang mga magulang sa bongga niyang surpresa, labis naman ang kanyang pasasalamat sa pagiging blessed ng kanilang pamilya na gusto niya ring ibahagi sa mga mahal niya sa buhay.

“We all have our ups and downs but there are still so many things to be thankful for. I feel like we’ve been blessed so much as a family that we wanted to bless the people that we love,” sabi ni Andi.

Credit: Andi Manzano YouTube

Bagama’t marami man ang nagsasabi na super saya kapag nakakatanggap o nakakapagbigay ng materyal na bagay, wala namang makakatalo sa natutunghayan nating magagandang ngiti sa ating mga magulang.