Andrea Brillantes, binigyan ng 360,000 pesos para bumili ng mga gusto na gamit sa mga tindahan ng luxury brands

Isa si Andrea Brillantes sa mga sikat na mga batang artista sa industriya ng showbiz. Kilala ang kanyang pangalan lalo na ng mga kabataan. Mula pa man noon ay marami na siyang sinalihang projects at kumakailan lamang ay gumanap bilang Marga sa sikat na teleseryeng Kadenang Ginto.

Credit: Andrea B. YouTube

Bago pa man sumapit ang 18th birthday ni Andrea ay nilibre siya ni Glenda Dela Cruz, isang 22-year-old millionaire, sa iilan sa mga mamahaling branded stores. Kilala si Glenda bilang CEO sa kompanyang Brilliant Skin Essentials na naging bunga ng matindi niyang pagsisikap mula sa pagre-resell ng mga beauty products hanggang sa nakaisip siyang mag-produce ng sarili niyang produkto. Mula doon ay patuloy na lumaki ang kanyang negosyo at naging ganap na ngang kompanya na kilala sa Pilipinas ngayon.

Credit: Andrea B. YouTube

June 1 nang nag-post ng vlog si Andrea Brillantes kung saan mapapanood na nag-shashopping siya na may budget na P360K at ang budget na ito ay ibinigay sa kanya ni Glenda. Nagtungo sila sa isang store kung saan ay puro mga branded ang mga ibinebenta.

Nagtungo ang dalawa sa Louis Vuitton kung saan ay malayang pinapili ni Glenda si Andrea ng kahit anong magustuhan niya pero na-overwhelm ang young actress sa mga presyo. Sa huli ay isang hairclip ang nabili ni Andrea na nagkakahalaga ng P18,200.

Credit: Andrea B. YouTube

“What is the holy grail of your life?” tanong ni Glenda habang naghihintay sa kanilang LV purchase kung saan ang sagot ni Andrea ay ang buhay niya umano.

“What are you most insecure about?” karagdagang tanong ni Glenda sa aktres.

“Katawan ko… tiyan ko. Malaki tiyan ko, eh. Matatago lang siya sa maong pero mabilbil talaga ako. Promise,” sagot ni Andrea na ikinagulat ni Glenda dahil hindi niya iyon inaasahan bilang insecurity ng batang artista.

Credit: Andrea B. YouTube

Nabanggit naman ni Andrea na ang bagay na okay lamang mawala sa buhay ay “iyong mga epal” daw na wala ng ginawa kung hindi manghusga.

Sumunod namang pinuntahan nila Andrea ang sikat na tindahan na Prada kung saan bag ang kanyang binili. Belt naman ang napiling bilhin ni Andrea sa Gucci store.

Matapos mag-take ng lunch break ay bumalik ulit si Andrea, Glenda, at ang kanilang team sa Prada kung saan bumili siya ng isang limited edition na Prada high cut shoes at scarf dahilan ng pagka-excite ng artista.

Credit: Andrea B. YouTube

Nag-alinlangan pa siya ‘nung una dahil lumagpas na sa budget kung bibili pa pero ayon naman kay Glenda ay okay lamang daw at dahil dito ay lubos na nagpasalamat si Andrea.

“Hindi kasama sa budget ko iyong ano… sapatos at scarf. Dinagdag lang sa akin ni Miss Glenda,” sabi ni Andrea.

Kahit nahihirapan sa pagbitbit ng mga pinamili ay hindi ito ininda ni Andrea hanggang sa papauwi na sila dahil sobrang saya raw niya na hindi niya magagawang bitawan ang mga pinamili.

“I’m so blessed to have you in my life. You’re such a brilliant blessing,” pasasalamat ni Andrea kay Glenda.