Andrea Brillantes, bongga ang mga natanggap na regalo sa kanyang 18th birthday na tinatayang umaabot sa mahigit 1 milyon ang kabuuang halaga!

Isa sa pinakamatagumpay na artista ngayon ang batang aktres at social media influencer na si Andrea Brillantes.


Credit: Andrea B. YouTube

Nagsimula bilang isang child star, ngayon ay kaliwa’t kanan ang natatanggap na acting projects at maging endorsements ni Andrea.

Sa pagdiriwang naman niya ng kanyang 18th birthday noong March 12, bongga ang mga natanggap na regalo ni Andrea na ipinasilip niya kamakailan sa kanyang YouTube channel.

Ngayon lamang binuksan ni Andrea ang mga regalo na aniya, galing sa mga itinuturing niyang kanyang pangalawang pamilya.

Credit: Andrea B. YouTube

“Itong mga regalo na nakikita n’yo lahat ito ay galing sa second family ko. Sila ang nakatulong sa’kin sa pangarap ko at mabili ang bahay na ito,” simula ni Andrea sa kanyang unboxing video.

Halos lahat ng mga natanggap na regalo ni Andrea ay mga designer item. Mula sa bags, footwears, accessories hanggang sa appliances, lahat ay mamahalin at tinatayang umaabot sa mahigit 1 milyon ang halaga.

Credit: Andrea B. YouTube

Unang pinasalamatan ni Andrea ang celebrity doctor na si Vicki Belo dahil niregaluhan siya nito ng isang high class camera na matagal na niyang pinapangarap.

Pagdating naman sa bags, nakatanggap si Andrea ng isang Louis Vuitton hand bag, dalawang Prada na bag at ang regalo sa kanya ni Ivana Alawi na Gucci bag.

Pag-amin pa ni Andrea, ngayon lamang siya nakatanggap ng napakaraming designer items sa buong buhay niya. Kaya naman humingi siya ng paumanhin dahil hindi niya alam ang pangalan ng mga ito. Hindi naman napigilan ni Andrea na ma-excite nang ipakita niya ang matagal na niyang gustong bilhin na Gucci belt at scarf.

“Sobrang gusto kong magkaroon ng scarf na designer nang pinanood ko yung closet tour ni Ms. Heart Evangelista na naka-frame yung mga Hermes niya,” ani Andrea.

Nakatanggap din si Andrea ng mga mamahaling alahas at accessories tulad ng hair clips na nagkakahalaga umano ng 18,000 piso at mga singsing.

Niregaluhan din si Andrea ng isang puting LV shoes na may naka-imprintang mga baraha.

Aniya, “Nagandahan ako dito kasi may baraha eh mahilig ako mag-tong its.”

Credit: Andrea B. YouTube

Maliban sa sapatos, nakatanggap din si Andrea ng isang Givenchy slides at Hermes sandals.

“Mas smooth pa siya sa paa ko na itatapak ko rito. Parang di nga ata deserve ng paa ko to eh,” ani Andrea.

Pagdating naman sa appliances, excited na binuksan ni Andrea ang regalong refrigerator ng gumanap na ina niya sa Kadenang Ginto na si Dimples Romana.

Ni-request mismo ni Andrea kay Dimples ang ibinigay nitong maliit na pulang SMEG refrigerator na ilalagay naman niya sa kanyang kwarto.

Credit: Andrea B. YouTube

Ani Andrea, “Itong usapan na ‘to galing Kadenang Ginto pa. Sabi niya kasi, ‘Anong gusto mo sa bahay mo?’ Tapos sumakto siya sa birthday ko. Pangarap kong magkaroon ng red na ref, sinabi ko talaga kay Ate Dimps.”