Andrea Brillantes, ini-reveal ang pangalan ng mga celebrity na nagtangkang ligawan siya noon

Isa sa mga hinahangaang aktres ngayon ang 18-taong gulang na si Andrea Brillantes. Sikat na sikat si Andrea hindi lang dahil sa kanyang husay sa pag-arte sa mga teleserye na kanyang pinagbibidahan kundi maging sa social media. Maliban kasi sa pagiging aktres, kabilang din si Andrea sa mga social media influencer na sinusundan ngayon ng netizens.

Credit: @blythe Instagram

Madalas namang makatanggap ng papuri si Andrea sa social media dahil sa kanyang naggagandahang letrato at husay sa pagsayaw lalo na sa video-sharing app na TikTok. Bukod dito ay milyun-milyon din ang kanyang subsribers sa YouTube. Kaya naman maituturing si Andrea na isa sa mga pinakamatagumpay na artista ng kanyang henerasyon.

Hindi naman maipagkakailang maraming lalaki ang nahuhumaling kay Andrea at ilan sa mga ito ay mga kasamahan pa niya sa showbiz. Sa kanyang latest vlog ay ibinunyag ni Andrea ang mga pangalan ng mga artista na sinubukan siyang ligawan noon.

Credit: @blythe Instagram

Kasama ni Andrea sa kanyang vlog ang kanyang on-screen partner na si Seth Fedelin kung saan ay naglaro sila ng sikat na challenge na “Sagot o Lagot”. Ang mechanics ng nasabing laro ay kailangan nilang sumagot sa mga tanong at ang hindi sasagot ay mala-‘lagot’ sa pamamagitan ng pag-inom ng cooking oil, hot sauce at iba pang condiments tulad ng toyo at suka.

Kabilang nga sa mga tanong ni Seth kay Andrea ay kung sinu-sino ang celebrities na nagtangkang manligaw sa kanya. Hindi inatrasan ni Andrea ang tanong sa kanya ni Seth at matapang niyang ibinunyag ang mga pangalan ng mga nagparamdam sa kanya noon.

Credit: @blythe Instagram

Pagbubunyag ni Andrea, tinangka siyang ligawan noon ng dalawang ‘The Voice’ alumnus na sina Juan Karlos Labajo at Darren Espanto. Maging ang anak din ng aktor na si Mark Anthony Fernandez na si Grae ay sinubukan din siyang ligawan.

“May mga celebrity na ba na nag-try mag-make ng move sa’yo? If yes, sino?” tanong ni Seth kay Andrea.

Sagot naman ni Andrea, “Oopps, hindi ko iinumin ‘yan para sa mga ‘yun – si JK , Darren at Grae.”

Credit: @blythe Instagram

“Nag-try manligaw?” ulit pa ni Seth sa kanyang tanong.

Pagkukumpirma naman ni Andrea, “Oo”.

Pabirong saad pa ni Seth, “Shoutout sa inyo. Pine-flex kayo ni Blythe.”

Credit: @blythe Instagram

Samantala, maraming netizens naman ang kinilig sa ipinapakitang ka-sweetan nina Andrea at Seth sa naturang vlog. Komento ng netizens:

“Kiss bayunu kasi para sakin oo isang tumbler lang yun yie keleg”

“kilig ka mi HAHAHAHAHAHA”

“Sobra kayong nakakatuwang dalawa May chemistry talaga kayo”

Matatandaang unang nagkatambal sina Andrea at Seth sa teleseryeng “Kadenang Ginto”. At ngayon, kabilang sila sa mga bida ng Kapamilya drama serye na “Huwag Kang Mangamba”.