Isa sa pinakamahalagang kaganapan sa buhay ng isang babae ay ang kanyang ika-18 kaarawan o debut.
Credit: @blythe Instagram
Tinatawag din na “pasinaya” sa Pilipinas, ang debut ay higit pa sa isang pagdiriwang ng kaarawan. May iba’t ibang kahulugan ang debut depende sa bansa.
Sa Pilipinas, kaya nagdiriwang ang isang dalaga ng debut ay para pormal siyang ipakilala sa lipunan. Kapag ang isang dalagang Pilipina ay tumungtong na ng 18-taong gulang, ibig sabihin lamang nito ay nasa legal na edad na siya o ganap na siyang dalaga.
Credit: @blythe Instagram
Bukod sa araw ng kanyang kasal, isa nga ang kanyang debut sa mga espesyal na araw sa buhay ng isang babae.
Ito rin marahil ang dahilan kung kaya’t pinaghahandaan talaga ito ng bawat babae na magdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan.
Credit: @blythe Instagram
Tulad na lamang ng aktres na si Andrea Brillantes na halos isang buwan bago ang kanyang ika-18 kaarawan ay nagsagawa na ng kanyang debut photo shoot.
Pinusuan ng kanyang libu-libong followers sa Instagram ang ibinahaging mga litrato ni Andrea na kinunan mula sa kanyang pre-debut photo shoot.
Bongga ang naging pre-debut photo shoot ni Andrea na may temang hango sa painting ng Italian painter na si Sandro Botticelli na “Birth of Venus”.
Credit: @blythe Instagram
Makikita sa mga litrato na nagmistulang isang dyosa ng kagandahan si Andrea sa kanyang suot na two piece white dress set na gawa ng fashion designer na si Michael Leyva.
Ayon kay Andrea, ang nasabing debut photo shoot ay simula ng countdown niya para sa kanyang ika-18 kaarawan na ngayong darating na March 12 na.
“PISCES SEASON ♓️💟 Countdown for my 18th birthday begins: N O W,” saad ni Andrea sa caption ng kanyang Instagram post.
Hindi naman nakapagtataka kung bakit bongga ang kinalabasan ng mga litrato ni Andrea. Bukod kasi sa kanyang taglay na kagandahan, kuha rin ang mga larawan ng celebrity photographer na si Charisma Lico na kilala dahil sa kanyang mga creative photo shoot. Matatandaan na si Charisma din ang kumuha ng mga magagandang litrato ni Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Heart Evangelista at marami pang artista.
Credit: @blythe Instagram
Kinunan naman ang pre-debut photoshoot ni Andrea sa Shutterspace Studios. Ginawa namang dyosa ni Marben Talanay (makeup artist), Eldzs Mejia (fashion stylist), Mark Familara at Lyndon Hae (hairstylists) si Andrea sa nasabing pre-debut photo shoot.
Sa panahong isinusulat ito, mahigit 700K na ang nakuhang likes ng mga litrato ni Andrea.
Kabilang naman sa mga pumuri sa kagandahan ni Andrea sa kanyang pre-debut photo shoot sina Ivana Alawi, Kira Balinger, Seth Fedelin at Empress Schuck.
Credit: @blythe Instagram
Si Andrea ay nagsimula sa showbiz sa napakamurang edad. Matatandaan na kabilang siya sa Kapamilya children variety show na “Goin’ Bulilit”.
Sumikat din siya dahil sa kanyang role na ginampanan sa ilang hit-Kapamilya shows tulad ng “Annaliza” at “Kadenang Ginto”.